Kabanata Lima

80 8 2
                                    

"If I fall."

---


Agosto 30, 1887

Napaatras si Berting nang makita niya ang isang di pangkaraniwang nilalang. Nakakita siya ng isang.. sirena! Kumurap-kurap siya upang masigurado kung totoo nga ang kanyang nakikita. Mayroon itong buntot ng isang isda pati na rin sa kaliskis nito'y parehong-pareho sa mga isdang nahuhuli nila kapag nangingisda.

Mahaba ang kanyang buhok na tumatakip sa katawan nito. Nakaupo ang sirena sa may bukal at nakasawsaw naman ang kanyang buntot sa tubig. Kumakanta ito ng banyagang awitin na hindi pa naririnig ni Berting.

Hindi niya alam kung anong kanyang gagawin, tatawag ba siya ng tulong? Pero wala namang ginawang masama ang sirena. Babalik na ba siya sa kanyang tahanan na parang walang nangyari? Pero siya'y babagabagin ng kanyang kaisipan ng kuryosidad at mga katanungan.

Napabuntong hininga siya kaya't nagpagdesisyunan niyang magtago muna sa isang malaking bato malapit sa sirena. Umupo siya habang nakikinig sa magandang tinig ng kakaibang na nilalang na iyon.

Sa bawat katagang kanyang maririnig ay tila bumabawas sa kanyang takot at napapalitan ng kuryosidad. Gusto niyang makipagkaibigan.

Sumilip si Berting at hindi pa rin umaalis sa kinauupuan ang sirena. Kaya't mayroong naisip na plano si Berting. Pumulot siya ng mga maliit na bato at pasimpleng itinapon mula sa likuran.

Napatigil ang nilalang sa kanyang pag-awit at pinakiramdaman ang kanyang paligid. Alam niyang mayroong nakamasid sa kanya sa mga pagkakataon na iyon. Nang sumilip muli si Berting, wala na ang sirena.

Napatayo siya at nilapitan ang bukal. Malinaw na malinaw niyang natatanaw ang kanyang repleksyon ngunit, wala na ang sirena.

"Ah-" hindi na natuloy ang pagsigaw ni Berting dahil mayroong humila sa kanya sa ilalim ng bukal! Nanlaki ang mga mata ni Berting nang makaharap niya ang sirena na nakapulupot ang isang kamay sa kanyang leeg.

"Sino ka?!" Nanggigil na saad ng sirena sa kanya ngunit siya naman ay naghahanap ng hangin sa kanyang katawan. Nagtama ang kanilang mga mata saka doon nagiba ang tingin ng sirena.

Parang sa oras na iyon, bumagal ang kanilang mundo. Sa ilang segundo pagtitinginan, tila bumilis ang tibok ng kanilang mga puso.

Nawalan ng malay ang lalaki kaya't napagdesisyunang inangat ng sirena ang kawawang si Berting. Inilagay niya ito sa tabing-lupa ng bukal saka ito tinigtigan na para bang inaalala niya ang bawat detalye ng mukha nito.

"Isang lamang lupa." Bulong nito. Itinapat niya ang kanyang palad sa dibdib ng lalaki at sa isang iglap, nahawakan niya ang tubig na napuno sa kanyang lalamunan at inilabas nito na parang itinapon na tubig sa lawa. Napabalikwas ng bangon si Berting at naisuka lahat ng tubig nang nalunod siya.

Nanginginig sa paghahabol ng hangin si Berting at dahan-dahang napaatras nang makita ang pigura ng sirena.

"Huwag kang lalapit!" Bulyaw nito ngunit hindi naman natinag ang sirena. Tinignan lamang ito na para bang isang mababang uri ng hayop. Kitang-kita ng lalaki ang pagkaseryoso ng maamong mukha ng sirena.

"Mayroong kakaiba sa iyo, lamang lupa." sambit ng sirena na ikinakunot ng noo ni Berting.

"Lamang lupa? Siya nga itong maligno ng karagatan." Sa isip-isip ng lalaki. Sa hindi malamang dahilan, hindi siya dinala ng kanyang katawan papalayo ng sirena. Napawi ang kanyang takot-gulat sa nangyari kanina at napalitan ito ng kakaibang kutob sa kanyang sarili.

Before You Disappear Where stories live. Discover now