Kabanata Labing-Apat

56 5 4
                                    

"Sunflowers and Roses"

---

Setyembre 12, 2023

Ayokong lumabas. Tulad nung mga nakaraang linggo, lahat ng mga kasama ko sa bahay ay may kanya-kanyang plano. Kaya nandito lang ako sa bahay, nagmukmok. Hindi dahil umiiwas ako kay-tsk, ito na naman.

Kinuha ko na lang yung notebook na matagal ko ng hindi nakikita. Yung binigay sa akin ni Lola Juanita. Wala rin siya ngayon kaya wala rin akong mapagkekwentuhan. Sumandal ako sa pader at ipinatong ang unan sa hita ko.

Alam ko naman na sabi ni Lola Juanita na nasa tamang panahon pa raw para basahin ang mga susunod na pahina pero, kinakain na 'ko ng aking kuryosidad. Mas mabuting may pagkaabalahan ako ngayon kaysa lumabas ng bahay at magkrus na naman ang mga landas namin ni Miguel.

Bakit ko siya iniiwasan? Sa kasamaang palad, hindi ko din alam.

Bumuntong-hininga ako at pinukaw ang aking atensyon sa hawak-hawak kong notebook. Binuklat ko ito-

"Blangko?" binuklat ko sa isa pang pahina, sa susunod at sa susunod pero wala pa rin. Tinignan ko muli ang cover page ng notebook. Nandoon pa din ang 'para sa aking pinakamamahal'.

Napakunot ang noo ko, "Paanong?" Napabuga ako ng hangin at pinatong sa tabi ko ang kwaderno. Bakit naging blangko yung notebook? Di'ba't nilalaman iyon ng mga tula?

Tumayo ako at pumunta sa dating kwarto ng Mommy ko saka hinalungkat ang kanyang mga dating kagamitan. Maalikabok na ito kaya nilinisan ko muna ang kanyang cabinet.

May nakita akong itim na baul.

Binuhat ko ito at inilabas. Pinagpagan ko dahil sobrang dumi nito. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mga lumang litrato ng aking ina noong kabataan niya.

Isa-isa ko itong tinignan. Kamukha ko talaga si Mommy. Parang carbon copy ang itsura ko e. Pero hindi tulad ko, siya naman ay parang rosas na hindi napalya sa kanyang kagandahan.

Isang mirasol lang ako sa buhay na nagdaan at patuloy na nalalanta at nawawala.

"Tao po." Napatayo ako bigla at narinig na may tao mula sa labas. Nagmamadaling binalik ko ang baul sa cabinet. Pinagpagan ko pa ang aking sarili at pumunta malapit sa pintuan.

"Tao po." Pag-uulit nitong tawag. Agad ko itong pinagbuksan at nadatnan ko na si Miguel pala iyon.

"O Miguel, naparito ka?" unang sabi ko sa kanya. Ibinulsa niya ang kanyang isang kamay at yung isa naman niyang kamay ay napunta sa kanyang ulo at napakamot.

"Priscilla.." bakit ang husky ng boses niya?! Ang ganda pakinggan kapag tinatawag niya ang pangalan ko. KALMA, PRI. YUNG PUSO MO.

"Naalala mo ba yung usapan natin nung nakaraan?" tanong niya bigla.

"Yung?" teka.

Habang pagsakay ko sa bangka ay inalalayan niya ang bewang ko para makaangat. Nang makasakay na din siya, ay tinanggal na niya ang pagkakatali ng lubid sa makapal na kahoy na nakabaon sa buhanginan.

"Priscilla, pwede bang magpaturo ng baybayin? Mayroon kasi akong isinusulat na tula ngayon na ayokong mabasa ng ibang tao." sambit niya sa akin habang pinapaandar ang de makinang bangka.

"O? Nagsusulat ka pala ng tula. Sige lang, pumunta ka na lang sa bahay." Tugon ko agad bago isinuot ang vest.

"Ay oo nga pala." Sabi ko sa kanya at pinagbuksan ng pintuan.

Before You Disappear Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon