Kabanata Dalawampu't-Dalawa

49 6 3
                                    

"If things were that easy."

---

Oktubre 5, 2023

"Yo también te quiero.." (Mahal din kita..) bulong ko. Anong alaala 'to? Napahawak ako sa aking ulo at agad na naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ni Miguel. Napatingala ako sa kanya, kasama ko siya sa alaalang iyon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin at tinignan ko ang kanyang mukha. Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang mukha at naramdaman ang pagtulo ng aking luha.

Kumikirot sa sakit ang puso ko.

"Yo también te quiero.." Sambit kong muli at nanlaki ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay kong nakalagay sa mukha niya at tinignan ako ng mariin.

"Priscilla.." Nahihilo ako sa hindi ko malamang dahilan. Nang tignan ko siyang muli ay mas lalong tumulo ang mga luha ko.

"Por qué sigues aquí?" (Why are you still here?)  Hinawakan ko muli ang kanyang mukha at pinunasan ang nagbabadyang tutulong luha sa kanyang magagandang mga mata.

Lamang lupa.

"Estoy esperando que recuerdes." (I am still waiting for you to remember.) Tugon naman niya. Ang sakit ng ulo ko, parang bibiyakin sa dalawa.

"Patawad, Bertin—" Hindi ko na natapos nang sakupin na ako ng dilim.

Habang hinihintay siya, napahawak ako sa kwintas na ibinigay niya sa akin. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Yung laging mapapanatag ako kapag nakikita ko siya, sumasaya ako kapag hinahawakan niya ang kamay ko.

Ligtas ako kapag nandyan siya sa tabi ko.

Ito pala ang tinatawag nilang pag-ibig.

Kung matagal ko na itong nalaman, masisigurado ko na sa kanya pa rin ako mahuhulog ng ganito.

"Praxedes!" Tawag niya at makita ko siya ay agad na natakot ako sa duguan niyang damit. Agad na umahon ako at naging mga paa ang aking buntot.

"Anong nangyari sa iyo?" Nag-aalalang tanong ko at napaluhod siya sa sakit. Itinaas ko ang kanyang damit at nanginig sa takot nang makita kung gaano kalalim nag sugat.

"Saan mo ito nakuha? Sino gumawa nito sayo?!" Hinawakan niya ang aking pisngi at biglang dinampi ang kanyang labi sa akin.

"Mahal na mahal kita, Praxedes." Bulong niya at nagulat ako nang makarinig ng isang malakas na pagputok.

"Kailangan natin iyan, gamutin!" Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako. Anong nangyayari? Bakit hindi niya masabi sa akin?

"Kailangan mo ng umalis dito, susunod ako sa iyo." Sabi niya sa akin.

"Ano? Hindi kita maintindiha—"

"Magtiwala ka sa akin, magsasama tayo mula sa malayong lugar na 'to." Sambit niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.

Before You Disappear Where stories live. Discover now