Kabanata Pito

61 10 0
                                    

"Aren't we the crestfallen?"

---

Setyembre 4, 2023

Kumaway ako kay Kuya bago pa man makaalis ang bangkang sinasakyan niya. Kinakailangan niyang bumalik sa Manila para gumawa ng report sa kanyang trabaho dahil nagkaroon ng emergency ang kanyang department at kailangang magawan agad ng paraan.

Naiwan kami ni Marie pero hindi naman kami maboboring dito dahil nakagawa na ng mga kaibigan si Marie dito. Minsan ko na nga lang siya makitang hawak-hawak ang kanyang mga gadgets at laging nasa mga kaibigan para makipagkwentuhan o kaya kulitan.

Mabuti nga't nakahanap na siya ng kanyang paglilibangan. Samantalang ako naman ay hindi makapunta kina Lola Juanita dahil abalang-abala siya sa kanyang pananahi kaya hindi niya rin matapos-tapos ang kanyang kinukwento sa akin.

Tungkol kay Berting at sa sirena.

Nakalimutan kasi ni Lola Juanita ang pangalan ng sirena kaya hindi mabanggit sa tuwing nagkukwento siya. Basta't maganda raw ang pangalan nito at tatatak talaga sa isipan kapag ito'y narinig. Naiintindihan ko naman si Lola dahil sa kanyang katandaan nakakalimot na ito paminsan-minsan.

Pumunta ako sa tabing-dagat saka pinagmasdan ang alon ng tubig. Umupo ako at binaon ang aking mga paa sa buhanginan.

"Ano ang ginagawa mo diyan?" Napatingala ako nang marinig ang pamilyar na boses. Si Miguel pala. Ngumiti naman ako at tumingin muli sa dagat.

"Wala lang. Namimiss ko na agad kasi si Kuya." Sagot ko naman. Kuya's girl ako e, magmula kasi nung bata pa kami, lagi akong nagpapasama sa kuya saan man ako makapunta at lagi rin naman siyang nandyan para suportahan ako.

"Babalik naman siya di'ba?" Tumango naman agad ako. Magmula kasi ng magtrabaho na si Kuya at nakagraduate na 'ko ng Business Management, we grew a little part. But that's okay, we get old anyways. Love ko pa rin si Kuya kahit lagi na siyang abala, at mas love ko syempre si Marie bunso namin!

"Gusto mo bang pumunta sa mataas na lugar?" Lumingon ako sa kanya habang nakapilig ang aking ulo sa aking mga tuhod.

"Saan naman?"

HINIHINGAL AKONG nakaayat sa Stairs of Aeon. Grabe, hindi halos kinaya dahil parang walang hanggan talaga ang hagdab-hagdan nito. Napaupo na 'ko nang makarating kami sa pinakatuktok at hinahabol ang aking paghinga.

"Teka lang, nakakapagod yun ah." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang pantayan ako ni Miguel saka nagtama ang aming mga mata.

Woah, ang ganda ng kulay ng kanyang mga mata dahil sa tama ng araw.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin at marahan naman akong tumango. Hindi ko alam kung papaano ko tatanggalin ang tingin ko sa kanyang gwapong mukha.

Pri, gumising ka!

"Makakatayo ka ba?" Tumango akong muli at akmang tatayo na nang ilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan. Tinanggap ko naman agad ito at tumayo.

"Hehe, salamat." Bago pa man ako makasalita ulit, umawang bigla ang bibig ko dahil sa magandang tanawin na bumungad sa akin. Kitang-kita ko mula dito ang kabuoan ng isla.

"Wow." Yan na lang ang nasabi ko habang pinapanood ang alon ng dagat, asul na asul ito at napakalinaw. Sobrang ganda dito! Nilibot ko ang aking paningin,

"May isla pa doon o!" Turo ko sa kabilang isla na parang malapit lang sa amin dahil nandito kami sa itaas. Ngayon lang ako nakarating dito sa taas. Dati kasi, hindi ako pwede dahil napakabata ko pa nun. Hindi ako magtataka kung bakit dito napiling magpropose ni Daddy kay Mommy.

Before You Disappear Where stories live. Discover now