Kabanata Dalawampu't-Isa

48 6 0
                                    

"Kiss me in your memory."

---

Oktubre 5, 2023

"Happy Birthday, Ate!" Sigaw ni Marie sa microphone ng videoke at agad na kinanta yung napili niyang song. Maraming nagsidatingan na mga imibitahan namin at lahat ay abala sa pakikisaya. Kapag nakikita ako ay agad na lalapitan ako at babatiin ng 'Happy Birthday'. Inaabutan pa nga ako ng mga matatanda ng pera ng palihim bilang regalo.

Mukhang buong baranggay yung dumalo sa selebrasyon para sa kaarawan ko.

"Happy birthday, Pri!" Bati agad sa akin ni Yula at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Bakit ka nagmumukmok dito? Ikaw nga yung may birthday e." Sabi niya pa at tumabi sa akin dito sa harapan ng bahay. Nakaupo kasi ako sa isang kawayan na upuan habang pinagmamasdan ang mga nagbi-videoke, kumakain, sumasayaw at mga nagtatawanan na bisita.

"Medyo napagod sa pag-aasikaso ng mga handa. Hindi ko naman inakala na ganitong karami yung mga taong pumayag na pumunta dito." Tugon ko naman.

"Hay naku, alam mo naman ang mga taga-Isla Forte, hindi marunong tumanggi sa imbitasyon, lalo na kung kainan at sayawan." Pahayag naman niya. Nagpaalam na muna siya na kakain sa loob, kasi hindi pa daw siya naghahapunan.

Tumayo ako at biglang natanaw ang pigura na naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko siya masyadong maaninag.

"Priscilla." Dumating siya. Agad na gumuhit sa kanyang mga labi ang isang magandang ngiti. Nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Lumapit ako sa kanya at matipid na ngumiti.

I'm awkward as hell. Get yourself a grip, Pri. Hindi naman niya nababasa yung nasa isip mo.

"Mabuti nakarating ka, gusto mo bang kumain na sa loob?" Sambit ko. Nabablangko yung utak ko, hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin.

"May ibibigay sana ako sa'yo." Sabi niya at inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko.

"Pwede ba muna kitang hiramin?" Biglang nag-init ang mga pisngi pagkatapos niyang sabihin iyon. Gusto na atang sumabog nung puso ko. Hindi pa naman ako nagkakape ngayon, pero sobrang kinakakabahan at nae-excite ako.

Ang gentleman niya.

"Priscilla, pwede ba?" Pag-uulit niya at walang paliguy-ligoy kong hinawakan ang kanyang kamay saka tumakbo kami papunta sa dulo ng isla. Kung saan madalas kaming mag-usap.

'Kung saan niya ako unang isinayaw.'

Teka.

Tumigil kami sa pagtakbo at nakaabot na pala kami sa dulo. Rinig na rinig ko ang paghampas ng dagat sa buhanginan at kitang kita ko kung gaano kaliwanag at kabilog ang buwan.

Ang ganda.

"Priscilla." Pagtawag niya sa akin at tumingin ako sa kanya. Yung pagtama ng liwanag ng buwan sa kanyang mukha ay parang isang painting. Parang hindi totoo.

Mula sa kanyang ilong na matangos at sa kanyang manipis na labi. Yung mga mata niyang nakatitig sa akin. Sa akin lang. Kahit saglit, kahit hiram lang muna.

Before You Disappear Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz