Kabanata Labing-Walo

58 4 0
                                    

"Mixed heartstrings."

---

Setyembre 25, 2023

"Sino ka ba talaga, Miguel?" Tumayo ako at marahan siyang tinignan. Bahid pa rin sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Ngunit iwinaksi muna ang kanyang nararamdaman ngayon, ang pag-aalala niya para sa akin.

Dahil kailangan ko ng mga sagot.

"Priscilla—"

"Magmula noong makilala kita, hindi ka na nawala sa utak ko! Kahit sa mga panaginip ko hindi mo na ako tinantanan. Mayroong mga pagkakataon na biglang may sumasagi sa mga imahinasyon—hindi, mga alaala iyon, sigurado ako." gulung-gulo na 'ko, sino si Miguel para magkaganito ako.

Hindi na siya makasagot. Parang mas nagulat pa siya matapos kong sabihin iyon. Biglang lumapit siya sa akin na parang hindi makapaniwala.

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko nang haplusin niya ang pisngi ko. Tinignan niya ako na parang—kilala na niya ako dati pa. Biglang bumilis ang kabog ng puso ko, nang magtama ang aming mga mata. Nalulunod ako sa kanyang titig, parang dinadala ako nito sa hindi ko pa napupuntahang lugar.

"Praxedes.." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, at ang paglapit ng kanyang mukha sa akin. Nag-iinit na ang mga mata ko at hindi na mapigilang mapaluha muli saka itinulak siya papalayo.

"Sagutin mo ako! Sino ka ba talaga, Miguel? Sino si Praxedes?" naluluhang sabi ko.

"Bakit mo ako tinawag sa pangalang iyon? Nagkita na ba tayo dati?" Sasabog na ko sa mga katanungang bumubuo sa isipan ko.

"Mig—"

"Priscilla." Nagtigil ako nang hatakin niya ako para sa isang mahigpit na yakap. Nanginginig na ang buong pagkatao ko at hindi napigilang humagulhol.

"Patawad, Priscilla."

"Miguel, please." Mas lalong pinipiga ang puso ko sa bawat tugon niya sa akin. Gusto ko malaman ang bawat detalye patungkol sa kanya. Iniharap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Mayroon akong hinihintay, Priscilla. At sa araw ng kanyang pagbabalik, maipapangako ko na sasabihin ko sa'yo ang lahat-lahat." Malungkot niyang pahayag sa akin.

"Si Praxedes ba ang hinihintay mo?" Hindi siya sumagot at pinunasan na lang ang mukha ko na puro luha.

"Lahat ng kahilingan ay mayroong kabayaran, ngunit sa pagkakataon na aking babayaran ang lahat, ay sana ika'y masaya na at nakalimutan na ang aking presensya." Makahulugang sabi niya pa at tinapik ang ulo ko. Ngumiti siya na parang walang nangyari at hinawakan ang aking pulso.

"Ihahatid na kita para makapagpahinga ka na." Usal niya at hindi na 'ko umimik matapos nun.

Nang makauwi ako, dumiretso na agad ako sa aking kwarto. Biglang sumagi sa isipan ko ang notebook na ibinigay sa akin ni Lola Juanita. Kinuha ko agad iyon sa may cabinet at saktong may lapis sa may kwarto naman ni Nana.

Napatingin ako sa bintana, umuulan na pala. Ibinaling ko muli ang aking atensyon sa blangkong papel saka nagsulat.

Dagat

Before You Disappear Where stories live. Discover now