Kabanata Walo

68 6 1
                                    

"How your love saved me?"

---

Setyembre 10, 2023

50th anniversary dito sa Isla Forte Valenciana kaya't abala na naman ang mga tao dito sa Sitio sa pag-aasikaso. Ako naman ay nagboluntaryo naman sa pagsasaayos ng catering since dati ay nagpart-time job ako dati nung college ako.

Abala ang lahat, kaya kailangan may gawin din ako. Wala pa si Yula, bilang assistant ko kaya, ako na muna mag-isa.

Mamayang alas-dyes ng gabi magsisimula ang event, samantalang ang mga turistang bibisita ay dadating ng alas-kwatro ng hapon. Kaya alas-singko pa lang ng umaga ay gising na kaming lahat.

"Pri! Dumating na yung mga lamesa, iseset-up na ba namin?" Tanong ni Kiko, na isa sa mga tumutulong para matapos agad ang gawain. Nagthumbs-up naman agad ako at lumapit sa kanila.

"Dapat eight chairs per table ah? Syempre, sasama din ang mga taga-Sitio sabi ni Kuya Terrence." Tumango naman si Kiko at saktong dumating si Nico para buhatin nilang dalawa ang mga lamesa.

Nakita ko naman agad si Angie na may dala-dalang kahon. "Uy Pri, ito na yung pinapakuha mong mga banderitas at iba pang pang-design ng function hall."

"At saka nga pala, hindi makakapunta dito yung iba kasi napagutusan sila e. Kaya pwede bang tulungan mo akong magkabit nito?" Dagdag pa ni Angie kaya tumango naman agad ako.

"Sige, mamaya ko na lang ich-check kung may kulang pang mga kagamitan." Sambit ko naman at tumungo na kami sa function hall.

Tumingala kami, at medyo mataas kaya't kumuha si Angie ng dalawang matataas na upuan para saktong maabutan namin ang malawak na kisame.

Nakakailang kabit na kami ng mga banderitas pero mas mahirap pa pala ito sa inaasahan ko. Napakalaki kasi ng function hall para sa aming dalawa. Kaya nakakailang pahinga muna kami dahil nangangalay mga katawan namin kaya tumungtong sa mga upuan.

Tumayo na 'ko at pinagpagan ang aking sarili. "Hindi, ako na kukuha ng makakain natin." Sabi naman ni Angie at nauna nang lumabas.

Bumalik na muli ako at umakyat sa upuan. Inayos ko na ulit ang mga banderitas at nagdikit pa ng iilang mga palamuti. Mamaya-maya ay magkakabit pa kami ng mga panibagong kurtina sa entrada ng hall.

"Priscilla." Napalingon ako sa tumawag sa akin at biglang nagulat dahilan para mawala sa balanse.

"Ah—" sa sobrang bilis ng pangyayare, nakita ko na lamang ang aking sarili na nakasandal sa.. katawan ni Miguel. Napatingin ako sa mga kamay niyang nakasuporta sa bewang ko at ang isa kong braso ay nakalagay sa kanyang balikat.

Hindi ako makahinga dahil sa espasyong natitira sa aming dalawa. Yung puso ko biglang tumibok ng sobrang bilis. Magkadikit ang tungki ng aming mga ilong at nakikita ko ng mas malinaw pa sa tubig ang detalye ng kanyang mukha.

Hindi ko alam kung..bakit parang bumabagal yung oras.

"Ayos ka lang?" Nanumbalik ang ulirat ko nang magsalita siya. Nanlaki ang mga mata ko at umiwas sa mukha niya. Hindi ko magalaw ang katawan ko.

Before You Disappear Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon