WAKAS

104 6 0
                                    

A/N: Hi readers! Once again, thank you sa pagsubaybay ng kwento ni Priscilla at Miguel♡ Salamat sa mga nanatiling maghintay sa mga updates ko at talagang naappreciate yung isinulat ko. Salamat sa mga friends ko na todo suporta kahit lagi ko silang nirereccomend na basahin 'to, nagdownload pa sila ng wattpad app para sa akin haha! Wabyu ol so mats!

Sa supportive parents ko na lowkey na alam na nagsusulat na ulit ako, buti na lang hindi nila akong pinilit na ipabasa sa kanila!

Thank you talaga!

Enjoy reading 'til the end!

---

Six months later.

"..tapos hindi namalayan nung babae na wala na ang kanyang pinakamamahal na lalaki." Kwento ni Melanie sa kanyang mga kaibigan na nasa hospital.

"Tapos anong nangyari?" Nasasabik na tanong ni Uno na isa sa mga kaibigan niyang nakikinig. Lahat naman silang magkakaibigan ay hinihintay ang susunod na sasabihin ni Melanie.

"Ewan ko, hanggang don lang narinig ko e." Napasimangot naman ang lahat sa kanyang sinabi at binatukan siya ng babaeng katabi niya.

"Badtrip ka naman! Magkukwento ng hindi tapos amp." Inis na komento ni Olive na kanyang kaibigan na babae.

"E hanggang doon nga lang narinig ko dun sa nagtitinda ng avocado." Paliwanag naman niya at napakamot na lamang ng ulo ang mga lalaki sa kanyang sinabi. Inabot naman ni Melanie sa babaeng nakahiga sa hospital bed ang isang basket ng avocado.

"Ito, sabi sa internet, maganda daw sa puso yung avocado." Nakangiting saad ni Melanie sa kanyang kaibigan at tinanggap naman ito agad ng kasintahang nasa tabi nito.

"Akin na nga 'yan, binitin mo kami sa kwento mo." Sabi nung kasintahan at tumawa naman sila.

"Hoy, hindi lang daw kwento 'yon." Depensa ni Melanie.

"Sino ba naman kasi nagkwento sa'yo niyan?" Tanong naman ng isang babae na si Titania.

"Yung matandang babae na nagbebenta ng avocado." Tugon naman niya agad at umakbay naman sa kanya ang kanyang nobyo.

"Hay nako, babe. Kung sinu-sino kinakausap mo." Komento nito at umirap naman si Titania.

"Ayoko na nga dito." Tumayo siya at dinampot ang kanyang bag.

"Saan ka pupunta, Tati?" Sabi nung babae na nakahiga sa hospital bed.

"Inggit lang kasi nag-away na naman sila ni Felix-Aray!" Nagtigil yung nobyo ni Olive nang sikuhin siya sa sikmura.

"One more word, I'll kill you." Anas naman ni Titania at nagpaalam na sa kanila.

"Lagot ka, Uno. Pinikon mo kasi." Sermon naman ni Olive sa kanyang nobyo at humingi naman ito ng pasensya.

"Pero Mel, anong sinasabi mo na hindi lang kwento yung sinabi mo sa amin?" Pagbaling ng babae na nakahiga kay Melanie.

"Hm, sabi nung matanda, mayroon daw mga sikreto ang mundo na hindi kadalasang nakikita ng tao kundi yung nararamdaman nito."

Before You Disappear Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang