Kabanata Dalawampu

49 8 0
                                    

"Will the stars perish if they wish?"

---

Oktubre 5, 2023

"Ate!" Napabalikwas naman ako ng bangon nang marinig ang nakakarinding boses ng mga kapatid ko kasama na ang tunog ng kaldero at sandok.

"'Kay aga-aga—" pagmulat ko ng aking mga mata ay natigilan ako nang makita ko sina Nana, Ate Elena, Marie at si Kuya Hugo na nakangiti sa akin habang makahawak silang lahat sa isang malaking cake.

"Happy birthday!" Bati nilang lahat at gumuhit sa mga labi ko ang ngiti. Kinilig ako e. Pagkahipan ko ng kandila ay agad na bumanat ng asar naman si Kuya.

"Magmumog ka nga, baho mo!" Napasimangot naman ako at akmang hahampasin siya nang pinagtulungan ako ni Marie at Kuya na maisubsob ang aking mukha sa cake.

"Ay naku!" Sabi ni Nana at ako naman ay gumanti sa mga kapatid ko saka dinamay na namin sina Ate Elena at Nana sa food fight.

Masaya ang simula ng araw ko.

Pilit ko na gustong tumulong sa handaan na magaganap mamayang gabi pero tinanggihan lang ako ni Nana dahil birthday ko naman daw. Hinatak na lang ako ni Kuya Hugo na magdala ng imbitasyon sa mga kakilala namin tutal, wala halos akong magawa sa bahay.

"Hayaan mo na si Nana, alam mo naman na hindi iyon papayag na pagurin ka sa birthday mo, at lalo na hindi pa makakarating sina Mommy." Untag niya at hinati ang mga imbistasyon. Nakapagbigay na kami sa mga magkakalapit bahay at lahat naman ay natutuwang makatanggap nito.

"Ay naku, birthday mo pala! Hindi mo naman inagahan ang pagsabi, ay sana naman ay nakapaghanda kami ng regalo para sa'yo." Sabi ni Aling Denise, at napangiti na lamang ako.

"Ayos lang po, kahit pumunta na lang po kayo sa aming tahanan para sa pagsasalo." Tugon ko naman at masayang nagpaalam kami sa kanya. Isang oras na ang nakakalipas nang mabigyan na namin halos lahat ng kakilala ni Nana.

Hindi ko alam kung pyesta ba ang mangyayari o birthday party. Halos buong isla ata ang pupunta sa bahay namin mamayang gabi.

"May natira pang dalawang imbitasyon." Inabot ni Kuya yung isa at tumingin sa akin.

"Hindi na kita masasamahan, ako naman ang mag-iimbita kay Lola Juanita kaya ikaw na bahala." Pahayag niya pa at hindi na ako nakaapila. Biglang sumagi si.. Miguel sa isip ko. Hala, si Miguel hindi ko pa pala siya naiimbita!

Naghiwalay na kami ni Kuya ng dadaanan kaya agad na dumiretso ako sa bahay niya. Nang makarating ako ay agad na kumatok ako sa kanilang bahay. Sumilip ako sa bintana at biglang tumaas ang dugo ko sa aking mga pisngi!

Agad na tumalikod ako at napatakip ng bibig.

Kailan pa ako naging manyak?! Tama bang makita ko yung.. y-yung a—"Priscilla," nagtigil ako at natatarantang humarap sa kanya.

"Wala akong nakita!" Shit, bakit nasabi ko iyon?! Napakunot ang kanyang mga noo at biglang natawa.

"Anong sinasabi mo?"

"A-Ah wala, nevermind. Ito oh." nauutal kong sabi at nagmamadaling inabot sa kanya ang imbitasyon. Hay nako, Pri. Anong pinaggagawa mo sa sarili mo?!

Before You Disappear Where stories live. Discover now