Chapter 1

29.4K 447 77
                                    

Her POV

Arranged Marriage, 'yan ang nangyari sakin. I don't wanna get married at a young age, marami pa akong mga pangarap sa buhay but I dont have any choice.

My name is Edicarielle Medalle-San Diego, 18 years old and I'm married to a multi billionaire.

Everyone thought we're happy---I'm happy with my husband, Travis San Diego, but they all thought wrong. I feel the exact opposite when with him.

He's one of the youngest multi-billionaire in Asia, and he's just 26. At hindi ko alam kung anong nangyari sa mga magulang ko at ipinakasal ako sakanya.

I don't hate him, well, at first pero nang tumagal ang relasyon namin mas lumalabas ang totoong siya. At nakakatakot na ito.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ko. I groaned in frustration and stood up. Nang mabuksan ko ang pinto, bumungad sakin ang mala-Adonis na mukha ng asawa ko.

"Do you need anything?" mahina kong tanong.

"No" malamig na sagot nito na nagpatintig ng balahibo ko, nakatitig lang ito sakin.

Medyo nailang ako sa titig niya kaya umiwas ako ng tingin sakanya.

"kung ganon bakit ka nandito?" tanong ko ulit sakaniya.

Madilim na ang kwarto ko, tanging ang lampara nalang sa gilid ng kama ko ang on, pati na ang hallways. Tanging ang sinag nalang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa hallway.

Sa halip na sumagot ay hinigit niya ang pulsuhan ko at mahigpit na hinawakan iyon. He didn't do anything, nakatayo lang siya dun sa may pintuan ko habang nakatitig saakin at hawak-hawak ang pulsuhan ko.

Sanay na naman ako sa ganito, pero kinakabahan talaga ako pag ganito siya. Well palagi naman siyang ganito. Yung gabi-gabi siyang pumupunta dito sa kwarto ko, tinititigan ako, kung hindi niya hahawakan ang pulsuhan ko, balikat ko naman o kaya'y niyayakap niya ako ng ilang segundo.

Matapus ang ilang minuto ng pagtitig niya sakin ay lumuwag na ang paghawak niya sa pulsuhan ko hanggang sa bintawan niya ito at walang pasabisabing umalis sa harap ko at pumasok sa katapat na kwarto, kwarto niya iyon.

Napabuntong hininga nalang ako at isinara ang pinto ko. Kailangan ko ng matulog. May pasok pa ako bukas.

Humiga na ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya't maaga akong bumaba sa kusina para kumain. Nadatnan ko si Travis doon na nagkakape habang may folder na binabasa.

"G-good morning" mahina kong bati sakanya, na parating tingin lang ang tugon.

Ibinaba ko ang bag ko sa isang upuan sa dining. "kumain ka na ba?" tanong ko sakaniya.

Ibinaba niya naman ang folder na binabasa at tumingin sakin. "No" tanging sagot niya.

Ngumiti ako ng pilit na ikinakunot ng noo niya.

"What?" takhang tanong ko.

"Don't smile if it's not genuine" ibinalik nito ang atensyon sa binabasang folder.

"Sorry" mahina kong sabi at tumalikod na sakaniya para magluto ng agahan naming dalawa.

Isang simpleng toasted bread, scrambled egg and bacon lang ang hinanda ko.

Inilapag ko sa lamesa ang pinggan na pinaglagyan ko ng mga pagkain at umupo.

"Kain na po tayo" sabi ko at nagsimula ng kumain.

We ate silently, nobody talked. Tanging ang tunog lang ng kotsara na tumatama sa plato ang madidinig mo. We are silent the whole moment.

Pagkatapus naming kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin, si Travis naman ay nauna nang naglakad palabas.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Where stories live. Discover now