Chapter 6

12.5K 272 36
                                    

Her POV

"T-travis?" kinakabahan kong sambit.

Bakit? Bakit niya ako niyayakap ng ganito? He's not this sweet noon. Anong nakain nito at pinagtitripan ako?.

Hinalikan niya ang noo ko, sumikdo naman ang puso ko sa ginawa niya.

"Are you mad at me latria mou?" he softly spoke onto my ear.

That sent chills on my spine, shit. Alam kong pulang pula na ang mukha ko. Ano ba tong ginagawa niya?

At latria mou? Sino yun? Ano ba yan! Ako niyayakap tas iba binabanggit ng bibig tss. Nakakairita masyado.

"Anong kailangan mo ha?" binaklas ko ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

"tsaka sino si Latria mou? Ako ba'y niloloko mo ha?" inirapan ko siya. I know i shouldn't act like this lalo na't alam ko kung gaano siya katakot magalit pero nakakairita lang talaga mukha niya ngayon eh.

Tinapus ko ang pag lalagay ng jam sa slice bread ko, narinig ko naman siyang tumawa. Nilingon ko siya at inirapan.

Lumapit ako ng ref para kumuha ng bottled water. Nilingon ko siya ulit kasi tumigil na siya sa pagtawa, nakita ko siyang nakangiti habang tinitignan ako.

"ano?" pagsusungit ko.

Umiling naman siya tas tumawa ulit.

Naiirita ako, buweset. Kinuha ko yung plato kong naglalaman ng slice bread at naglakad palabas ng kitchen.

Napasinghap naman ako nung hinuli na naman ng mga braso niya ang bewang ko at niyakap ako sa likod.

He then kissed the back of my neck. Para akong napako sa kinatatayuan ko nung ginawa niya iyon. My heart hammered inside my chest.

Jusko po, puso kumalma ka. Nakakairita siya remember?

"latria mou is an endearment in greek idiot" tumawa na naman siya.

"Pano ko ba malalaman di naman ako greek?" nagsungit na naman ako. "tsaka bitawan mo nga ko, naiirita ko sayo"

Imbes na bitawan ako, mas hinigpitan pa niya ang pagkayakap sakin. "nope, not until you tell me why I am irritating"

"basta naiirita ako sa mukha mo, bitawan mo na ako" ang lakas ng tibok ng puso ko feeling ko naririnig niya iyon dahil sa lapit naming dalawa.

"nope" pagmamatigas nito, pero halata sa boses niyang nakangisi ito.

"Ano ba Trav, may tatapusin pa akong painting" napalabi ako.

"You paint now? Can I see?" malambing na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko "No" agad kong tanggi sa kanya. Pano ba naman kasi siya yung portrait na pinepaint ko? Tas ayaw niya pang idraw siya, o kaya picturan. Mamamatay ako ng wala sa oras.

Binitawan niya naman ako at hinarap sa kanya, kinuha niya ang dala kong plato at water bottle at inilagay sa sinasandalan niyang mesa, at paharap naman akong niyakap.

"bakit naman hmm?" nakakabaliw ang baritono niyang boses, nakakaadik kahit napakalandi pakinggan.

Nagtitigan kaming dalawa, pero ako ang unang umiwas ng tingin. Kinakabahan ako. Sasabihin ko ba? Baka sampalin ako nito. Napakalaki pa naman ng kamay nito.

"K-kasi alam kong ayaw mo sa nipaint ko kaya hindi ko ipapakita sayo" tanging yun lang ang sinabi ko.

"lalaki mo ba ang nasa painting mo?" nagdilim ang mukha niya at naging malamig ang boses niya.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Where stories live. Discover now