Chapter 22

5.8K 129 12
                                    

Her POV

"Allergic ako sa kamatis nakalimutan mo na ba?" I said and gargled some water, at iniluwa iyon sa lababo.

"Hala sorry" she patted my back. "I totally forgot. Nakalimutan ko akala ko sa bell pepper ka allergic, pareho kasing pula eh"

Inabutan naman niya ako ng basong tubig. Agad ko namang ininom iyon.

Naglakad ako papuntang para tumingin kung anong pwedeng makain dun na walang sangkap na allergic ako.

When I opened the ref, agad namang nag landing ang mga mata ko sa apple jam na nasa garapon sa loob ng ref.

Agad din namang nanubig ang bagang ko, kaya kinuha ko agad yun at naghanap ng slice bread sa cupboard.

Nung makahanap ako ng slice bread ay agad naman akong gumawa ng sandwiches.

Napalingon naman ko kay Acide na tahimik na nakamasid sakin. Nakita kong nakaawang ang mga labi niyang nakatingin sakin, kaya kunot noo ko siyang tinanong.

"Bakit?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sakaniya.

"Kailan ka pa kumakain ng jams?" kumunot ang noo niya. "Since we were young, ayaw na ayaw mo sa jams dahil matamis. Do you even know what you're eating right now?" napapantastikuang tanong niya sakin.

Nagkibit balikan lang naman ako. "there's no harm in trying Ac." nginitian ko siya.

"I thought you loathe jams" naiiling na sabi ni Acide at pinagpatuloy ang pagkain.

Bigla namang tumunog ang door bell kaya tumayo na ako para echeck kung sino yun. Pero bago pa ako makatayo ay tumayo na si Acide at sinenyasan akong kumain nalang.

"Ako na" she then stood up and walked out of the kitchen.

Sino kaya iyon? Is it the police already? Pero 7 am palang, napakaaga naman ata nila? Hindi pa ako tapus kumain ng agahan eh.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at nilasap ang pagkain na kinakain ko ngayon. This jam is so good! Ngayon lang ako nasarapan sa Jam sa tanang buhay ko.

Actually this is Travis's Jam. Napakapaborito niya kasi ang mga mansanas, he likes apples so much na gumawa siya ng sariling apple jam. Nag away pa nga kami nun eh dahil ayaw ko sa amoy ng ginagawa niya. Pero Travis being himself. He didn't stopped. Mga panahon pa yun nung di pa kami magkasundo.

He sometimes asks me to make him some sandwich, kaya ito kaagad ang ginagawa kong palaman dahil alam kong gustong gusto niya to.

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si Acide sa kusina with an weird smile on her face.

"Edica.. Andito sina tito at tita.." mahina niyang sambit.

"Where the hell is she?!" dinig ko ang pamilyar na boses ni Daddy sa labas.

Napatayo naman ako agad at nilapitan sila Mommy at Daddy.

"Ian, can you please calm down? Baka marinig tayo ni Travis" pagpapakalma ni Mommy.

Nung nakita ako ni Daddy ay agad niya akong nilapitan. Napasinghap naman ako sa sakit nung sinampal niya ako at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Didn't I told you to stay away from him!" galit niyang bungad sakin "Didn't I?"

"Da.." nanunubig ang mga matang sambit ko.

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ka pinakasal kay Travis hindi ba?" mas diniinan niya ang pagkakahawak niya sa braso ko. Magkakamarka to mamaya.

Napaagik ako.

"Nasasaktan na ang anak mo Ian, tama na." may diin ang pagkakasabi ni mom nun. "Hindi niya alam. Hindi ko sinabi sakaniya."

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon