Chapter 4

14.3K 295 27
                                    

Her POV

Kinuwento ko kay Liam ang lahat ng nangyari, she told me na yung tatlong lalaki daw na muntikan na akong gahasain ay mga varsities sa school namin. Dean's Listers and heartthrobs.

They are almost perfect sa pagkakahiwatig nito, pero they are not as good as what people see them.

"Nakuu girl good thing narinig ka ni Sir Phil kundi jusko baka ano na nangyari sayo" may bakas ng pagaalala ang mukha niya.

Napabuntong hininga nalang ako, "oo nga eh buti nalang talaga" 

"They are so womanizer talaga" she groaned in frustration "naku talaga buti nalang di mo sinagot yung si John" napalabi siya.

Napatawa naman ako "bakit naman?"

"Eh kung womanizer yung mga kaibigan, ganun din siya. Ako pa naman yung push ng push sayo kay John" medyo nagiguilty ang tono ng boses niya.

"Ayos lang, wala naman akong planong sagutin yun eh" tugon ko. "Speaking of him, nasaan kaya yun? Bakit kaya sakin siya hinahanap nung tropa niya"

"Baka nambabae na naman siguro yun" natatawang aniya

Napatingala naman ako, sabay bubtong hininga, napakaraming clouds sa langit. Tulad nalang sa araw na to, andaming nangyari. Nakakastress.

Bigla naman akong napaiktad nung tumunog ang phone ni Liam. May tumatawag.

"Hello?" sabi nito pagkasagot nung tawag, nanatili akong nakatingala habang inoobserbahan ang mga ulap.

"Ngayon na talaga?" halata sa boses nito ang iritasyon.

Napabuntong hininga naman ito "Okay sige" tapos inoff nito ang tawag "Carielle" mahinang tawag niya sakin.

Napalingon naman ako sa gawi niya "Tumawag si Mama, yung kapatid ko kasi napaaway na naman daw sa school tas ako ang pinapapunta kasi busy na naman daw sila" napalabi ito.

I chuckled "okay lang, maglalakad lakad nalang muna ako hanggang sa mapagod ako"

"Baka kasi mawala ka, di ka pa naman pala gala" nagaalalang tugon niya.

"magpapasundo naman ako" sabi ko't tumayo.

"Babawi nalang ako sayo next week, libre kita" isinukbit nito ang dala niyang bag sa likod.

Tumango tango naman ako "sige na baka ano na naman ginawa ng kapatid mo" natatawa kong sabi.

"oo nga eh, sige mauna na ako, ingat ka" sabi nito at umalis na. Lakad takbo ang ginawa nito papuntang kalsada.

Ano kaya magandang gawin? Usually pag ganitong maaga madismiss ang klase ay umuuwi na ako nag nagmumukmok sa kwarto, nandoon lang ako, kahit ano-ano lang ginagawa ko, pero kadalasan ay nagsesketch ako.

Naalala ko naman na paubos na pala yung ang mga coloring materials ko, lalo na yung oil pastel ko. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa malapit na mall para bumili ng art materials sa isang art store.

Sumakay ako ng taxi papuntang pinakamalapit na mall at pumasok ng isang art store. I have my own credit cards and atm pero minsan ko lang nagagamit dahil hindi naman ako masyadong lumalabas para bumili.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kinuha na ang dapat kong bilhin. Marker, watercolors, paint brush, pens, colored pens etc.

Babayaran ko na sana ang mga kinuha ko nang may makita akong isang canvas, maliit lang ito, kapareho lang ng size ng isang short bondpaper, o baka medyo malaki sa short bondpaper.

Wala sa isip ko iyong kinuha, at tinitigan ng ilang segundo, bulhin ko kaya? Pero di naman ako masyadong marunong mag paint. Tsaka wala din naman akong paints. Nagkibit balikat naman ako at nilagay sa loob ang canvas at bumalik sa coloring section.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang