Chapter 31

5.2K 129 2
                                    

Her POV

"He left" Vaux said in a calm voice.

"W-what?" takang tanong ko sa kanya.

Bakit siya umalis? Bawal pa siyang mag lalalakad dahil hindi pa masyadong magaling ang mga sugat niya. Baka mapano siya. Tsaka san naman iyon pupunta? Delikado pa sa labas lalo na ngayong hindi pa na dadakip hanggang ngayon.

"He took a small bag with him" nagpatuloy sa pagkain si Vaux habang kaswal akong kinakausap "Hindi ko alam kung saan siya pupunta"

Napatango lamang ako atsaka nagsimula nang kumain.

Aantayin ko nalang siya, kailangan ko siyang makausap tungkol sa baby namin. Gusto kong malaman kung bakit ayaw niyang tanggapin ito kahit anak niya naman to.

Nagtapos ng matiwasay ang agahan namin at kanya kanya silang alis dahil may trabaho pa daw sila. Tanging naiwan lang dito sa loub ng mansyon ay ako, si Sheaffer at Luciel.

Pero busy padin si Sheaffer dahil may gagawin pa daw siyang research tungkol daw sa pumatay ng sa kanya nakababatang kapatid at ina. Kaya ayon ay nagmukmok sa loob ng private office niya.

Si Luciel naman ay nanood lang ng kung ano ano sa sala, gusto ko nga siyang samahan kaso wala akong gana makipag usap sa kahit kanino ngayon. Tanging si Travis lang ng gusto kong makusap dahil marami akong ipapaliwanag sa kanya upang mataggap na niya ang munting anghel sa sinapupunan ko.

Pumasok ako sa loob ng silid namin ni Travis at nilibang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. May munting bookshelf naman dito sa loob at napuno iyon ng samutsaring libro. Academics, fictions and novels.

From time to time, chinecheck ko ang phone ko, nagbabakasakaling tumawag o nagtext si Travis pero ni misscall ay wala akong natanggap sa kanya.

Nagdaan ang lunch, at hapon, wala padin akong balita sa kanya. Ilang libro na ang nabasa ko, at ilang ors na din ang nagdaan pero walang Travis ang dumating o tumwag man lang.

Pagsapit ng hapunan ay tinanong ko si Sheaffer kung alam niya ba kung nasaan si Travis pero iling lang ang sinagot sakin. Hindi tulad kanina, na marami rami kaming kumakain nung dinner, ngayon kaming tatlo nalang nina Sheaffer at Luciel.

Pagkatapus ng lunch ay napagdesisyonan ni Luciel na umuwi na muna sa condo niya dahil may tumawag sa kanya na pasyente niya, magpapacheck up lang daw.

Kaya naman kaming dalawa nalang ni Sheaffer ang naiwan, pero as usual, nasa private study niya lang siya nakatambay dahil marami pa daw siyang misyon at gagawin.

Nagsimula na akong mag alala kay Travis, its almost 10 pero wala pading Travis ang dumdating. Naupo nalang ako sa couch ng sala habang nanonood ng mga kung ano ano para libangin ang sarili ko.

Habang nanonood ay bigla nalang lumabas si Sheaffer sa private study niya at tahimik na nagtungo sa mini bar malapit dito sa sala. Bumalik lamang siya na may dalang dalawang bote ng beer sa kamay niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa gawi niya dahil napalingon siya sakin.

"Hey" tinanguan niya ako.

"Hi" tugon ko sa kanya tsaka bumaling ulit sa screen ng TV.

Habang nanonood ay naramdaman ko nalang na parang may tumabi sakin sa mahabang sofa at may inilapag sa center table.

It was Sheaffer, nilaklak niya ang bote ng beer habang nakatingin ang mga mata sa screen ng TV.

"Don't worry about him. He may be not that good of a man but he knows what his doing" rinig kong panimula ni Sheaffer, napatingin naman ako sa gawi niya.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Where stories live. Discover now