Chapter 18

6K 131 2
                                    

Her POV

"May activity daw tayo sa Physical Education kaya magpalit na kayo ng damit" rinig kong sabi ng kaklase namin.

Isa isa kaming tumayo at naglakad papalabas ng room.

"Ms. Medalle, paki dala naman ng mga papers ng mga kaklase mo sa faculty" Ms. Dizon commanded.

Madali naman akong tumango "opo Ma'am" sagot ko at dali daling nilapitan ang desk niya sa harap at kinuha ang mga nakastack na mga papel sa mesa nito.

"Liam samahan mo ko, ayaw kong pumasok sa faculty" tawag ko kay Liam na madali namang sumunod sakin nung nakalabas na ako.

"Yay sama akoo" excited na sambit ni Liam.

Nauna nang maglakad si Ms. Dizon at nakasunod lang kami ni Liam sakanya.

"Ikaw pumasok ng faculty ha? Andun naman crush mo eh" natatawa kong ani.

Tumawa naman ito "syempre gusto kong makita si Sir Trevor, ang bebe ko" parang sinapian siyang kinilig.

Tumawa naman ako sa reaksyon niya sabay iling iling.

Pagkadating namin sa faculty, si Ms. Dizon at Liam lang ang pumasok, ako naman ay nasa may pintuan lang, nakasilip ng konte.

Ayaw kong pumasok dahil kilala ako ng mga teachers dito. Nakakailang lang pumasok dahil hindi ko alam kung anong iniisip nila pag nakikita nila ako.

Nakita kong inilapag ni Liam ang papers sa table ni Ms. Dizon at nagmadaling naglakad papunta sa direksyon ko. Hindi naman gaanong malayo.

Nakita sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Sir Trebor na nakaupo medyo malayo sa kinatatayuan ko. Medyo malawak at malaki kasi ang loob ng faculty room na ito.

Kinikilig na kumapit si Liam sa kanang braso ko "Ang gwapo ni Sir. Nagsmile siya sakin kanina" medyo ni yogyog niya ako ng konte.

Binaklas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko para pigilan ang kilig niya "oo na gwapo na crush mo" natatawa kong ani.

Naglakad na kami papuntang locker room ng mga babae habang nagkukwentuhan ng kung ano ano.

Medyo tahimik ang hall dahil may kanya kanyang klase ang mga istudyante at mga faculty members. Kaya nageecho ang boses ni Liam sa lakas nun.

"Oo talaga, iyan din sabi ko sa kanya eh" tas natawa ito.

Natawa din naman ako. Pinag-uusapan lang namin yung isang kaklase namin na may gusto sa kanya. Nag confess daw kasi sa kanya noong isang araw eh.

Habang naglalakad ay naramdaman kong parang may sumusunod samin. Hindi naman ako gaanong ka sensitive pero parang meron talaga eh.

Tumigil ako sa pag lalakad at lumingon sa likod, nagtaka naman si Liam at lumingon din.

"Hoy, anong tinitignan mo diyan?" takhang tanong niya sakin.

Napatingin maman ako sakaniya "hindi mo nararamdaman yun?" kunot noong balik ko ng tanong sakaniya.

Kumunot din ang noo niya "anong ibig mong sabihin?" at anaptingin na naman ulit sa siya likod.

"para kasing may sumusunod satin, may naririnig akong yapak" bulong ko sakaniya, tumawa naman ito.

"Baka sariling yapak mo lang ang naririnig mo" hinila naman niya ako at naglakad na ulit.

Nagkibit balikat nalang ako, baka tama si Liam. Masyado naman kasing tahimik dito sa hall. Kala mo may sumusunod sayo kahit sarili mo lang mga yapak ang mga naririnig mo.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Where stories live. Discover now