Chapter 34

4.7K 107 13
                                    

Her POV

Nagising ako sa kakaibang amoy ng gamot. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang isang hindi pamilyar na puting kwarto.

Agad ko namang inilibot ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto para tingnan kung nasaan ako.

Ospital...

Nasa ospital pala ako, teka bakit ako nandito? Anong nangyari? Napalingon lingon ako para tignan kung may kasama ba ako dito sa loob ng kwarto ng biglang bumukas ang pintuan.

Iniluwa naman doon si Acide at isang babaeng naka labcoat.

"Edica!" tawag niya sakin nung makita ako at nagmadaling lumapit. "ayos ka na ba? Kamusta pakiramdam mo?" tanong nito.

Tango lang sinagot ko "Bakit ako nandito? Anong nangyari?"

Ang naalala ko lang ay pumunta ko ng kusina at kinuha yung icecream at iyon na wala na akong ibang naalala pa.

"You are over stressed Mrs. San Diego" napabaling ako sa gawi ng doktor "Remember you are 7 weeks pregnant and you're body is too weak to handle a baby lalo na nung sinabi ni Acide sakin na mahina ang puso mo. You should rest so that the baby will be healthy once it came out" paliwanag ng doktor sakin.

Napayuko naman ako "Okay doc, salamat po"

And with that naglakad na papaalis ang doctor palabas ng kwarto.

"Pano na to Aci?" bigla nalang nanubig ang mga mata ko.

"Shhh" pagtatahan niya sakin sabay tapik sa balikat ko "Magiging maayos din ang lahat"

Napahagulgol nalang ako ng iyak habang umiiling.

"Alam ko Aci, hinding hindi magiging maayos ang lahat. Nasa labas ang asawa ko binubuwis ang buhay para lang maging ligtas ako pero he doesn't know about my heart." napahawak akobsa dibdib ko "He doesn't know that. At alam ko ang mga possibilities kung ipagpapatuloy ko pa ang pagbubuntis ko"

"Shh wag ka magisip ng ganyan. Tahan na. Diba sabi ng doctor bawal kang mastress? Kaya tahan na wag ka na magisip ng ganun. Maybe there's another way. We'll get through this okay?" she patted my head.

Tumango tango naman ako at pinahid ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.

"Ahh siya nga pala. Liam is also confined here in this hospital. Gusto mo ba siyang makita?" nakangiting tanong nito sakin.

"T-talaga? Pero paano mo nalaman na dito siya naconfine? Hindi ba ginawang confidential yun ng school namin?" nagtatakhang tanong ko.

"Ahh kanina kasi kausap ko yung ob mo, I saw her Mom papalabas ng ospital, kaya inaapproach ko. Naalala ko pa mukha ng Mama niya dahil siya yung sumugod sayo nung nasa clinic ka nun ng school nyo" pagpapaliwanag niya "gusto mo ba siyang puntahan?"

Nagdadalawang isip akong pumunta kasi baka galit sakin si Liam dahil sa nangyari sa kanya. Pero sa huli ay tumango pa din ako. Gusto ko siyang makita, miss na miss ko na kakulitan nun eh.

At dahil wala namang nakasabit sakin na dextrose ay madali lang kaming nakaalis sa private room ko.

Naglakad na kami papuntang kwarto kung saan nagpapahinga ang matalik kong kaibigan.

Nang makarating kami sa labas ng kwarto ni Liam, may dalawang pulis ang nagbabantay doon. Kinausap mo iyon ni Aci para kumbinsihing kaibigan kami ni Liam para papasukin kami.

Matapos ng ilang minuto ay pinapasok na kami. Pagkapasok namin sa loob, nadatnan namin si Liam na nakabenda ang kamay at tila nakatulala sa isang sulok.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Where stories live. Discover now