Chapter 5

13.5K 263 58
                                    

Her POV

"S'agapo Latria mou"

Nagising ako nung may dumampi na malambot na bagay sa labi ko. Unti-unti kong ibinuka ang mga mata ko. Nakita ko ang isang bulto na papalayo sakin.

Hindi ko masyadong maaninag dahil napakadilim na ng paligid, tanging ang liwanag nalang ng buwan sa labas ang nagsisilbing ilaw.

Teka nasaan ba ko? Kinusot kusot ko ang mga mata ko at pilit na inilibot ang mga mata kong gusto pang matulog sa buong kwarto kung nasan ako naruroon.

Nasa loob na pala ako ng kwarto ko, pero bakit ako nandito? Pano ako napunta dito? Di ko naman maalala na pumasok ako dito sa kwarto ah.

Hindi na talaga nakayanan ng mga mata ko, pumikit na sila ulit at nakatulog na ako muli.

Kinabukasan ay napakaaga kong nagising, hindi pa sumisikat ang araw ay tapos na ako sa morning routine ko. Wala naman akong gagawin ngayon kaya napagpasyahan kong magpaint nalang gamit yung canvas na binili ko sa art store kahapon.

Hindi ako marunong mag paint pero may knowledge naman ako kung paano. Hindi ko lang talaga nata-try ang magpainting.

I first drew a portrait on the canvas using my pencil bago ko ito kulayan. I'm sure I was conscious when I'm drawing the portrait, pero nung matapos ko biglang napaawang ang labi ko nung makita ko kung sino ang nidrawing ko.

Travis...

Shit shit shit! Nasan ang eraser ko? I'm dead when he sees this, baka sakalin ako nun!

I once drew a portrait of him, he saw it at pinunit iyon, sinigawan niya ako dahil ni drawing ko daw siya. Ayaw niya ng ganun. And here I am, breaking his number 1 rule.

Buburahin ko na sana iyon gamit ang eraser ko nang marinig kong may kumatok sa pinto ko. Madali ko namang binaliktad ang canvas, and now its inside out.

Tumakbo ako papuntang pinto at dahan dahang binuksan iyon. Bumungad sakin ang mala adonis na mukha ni Travis habang nakangiti.

Napakurap kurap naman ako "M-may kelangan ka?"

"Breakfast is ready" iminwersa niya ang daan baba.

Naalala ko na naman ang babaeng kasama niya, bigla naman akong nairita, kunot noo akong umiling "mamaya na ako" at isinara ko ang pinto.

Ang aga aga kong naiirita ha. Tinaspos ko nalang ang pagp-paint ko.

3rd person's POV

(A/n: ito yung nangyari kay John. Pasintabi po sa mga kumakain dyan, gore scene po ito hehe)

"Rence! Mags-start na yung game within 30 mins!" sigaw nung coach nila.

Tumango tango lang si Lawrence habang naglalakad palabas ng Gym.

"Rence san ka pupunta?" tanong ni Leo

"Puntahan ko lang si Carielle" sagot niya sa kaibigan.

"Rence nababaliw ka na ba? Are you really going after that woman? Nakakalimutan mo na ba na pinagpupustahan lang natin yun?" si Ed naman yun.

"Dude are you choosing that woman over our game?" sabat ni Jay

Napatawa lang si Lawrence "Guys wala akong nalilimutan" may kislap ang mga mata niya na alam na alam nung mga kasama niya kung ano iyon.

Tinalikuran niya ang mga kaibigang palihim na umiiling sakaniya.

"he's really into her" bulong nung tatlo niyang kaibigan.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Where stories live. Discover now