Chapter 19

5.7K 130 9
                                    

Her POV 

Liam.. Please, run.

Nakarinig naman ako ang mga yapak papalapit saamin. I know those are Liam's steps. Siya lang naman ang pumasok sa loob ng locker room eh. O siya nga lang ba?

Nakatakip padin ang mga palad ni Trevor sa bibig ko, habang nakatingin sa likod niya habang hawak hawak ang ang pocket knife sa kabilang kamay.

"Carielle, andito ka pa ba?" rinig kong boses ni Liam sa kabilang bahagi ng locker room.

Napag gitnaan kasi kami ng mga malalaking lockers kaya di ko makita kung nasaan na naroroon si Liam. Tangin boses lang niya ang naririnig ko at yapak ng kaniyang mga paa.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, dapat may gagawin ako, pero hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Hindi ako makagalaw, nanlalamig ang mga kamay ko.

"Carielle, andito ka pa?" tawag ulit ni Liam sa pangalan ko, pero nanatili akong tahimik sa takot na baka ako ang saksakin ni Trevor ng kutsilyong dala niya.

Nakikita ko na ang anino ni Liam na papaliko na sa kinaruruonan namin.

"Carie--" naputol ang pag sasalita ni Liam nang makaliko na siya sa locker. Halatang gulat siya dahil nakita niya si Trevor dito.

"Sir Trevor anong ginaga--" hindi na naman natuloy ang sinasabi niya dahil binitawan ako si Trevor at mabilis siyang nilapitan.

Mabilis na sinunggaban ng saksak ni Trevor si Liam sa tiyan, narinig ko pa itong napaagik sa sakit.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko, nanginginig ang mga kamay ko, para akong nahihilo, nanlalambot din ang mga paa ko.

"S-sir" halatang nahihirapang huminga si Liam.

"Hindi.. LIAM!" sigaw ko nang makita kong pinagsaksak pa si Liam ni Trevor ng ilang beses sa tiyan.

Pinilit ko ang sarili kong tumakbo papalapit kay Trevor para pigilan siya, hinawakan ko ang braso niyang mag hawak na pocket knife para pigilan ang pagsaksak niya sa tiyan ni Liam.

"Trevor, wag! tama na!" kahit wala na akong masyadong lakas ay pinilit kong agawin ang kutsilyo na ngayoy punong puno na ng dugo ni Liam.

Pero sadyang napakalas niya at nasaksak niya pa ng isang beses si Liam bago niya tinigilan. Binitawan nya ang katawan nito at hinayaang bumagsak sa sahig.

Mabilis din ang kilos niya at nilingon niya ako habang nakatutok ang kotsilyo sakin.

"Now, you" may nakakalokong ngiti ang nakaplaster sa mga labi niya.

Hindi pa ako nakahakbang ay bigla nalang akong napayuko dahil sinuntok niya ako sa tiyan.

Napaagik ako sa sakit at napaluhod habang hawak hawak ko ang aking parte ng tiyan na sinuntok niya.

"I don't really like you though, you have a ravishing beauty. I just wanted to ruin my brother's life by ruining you." tumawa tawa pa ito habang sinasabi iyon "And you know why? Because he doesn't deserve to be happy" biglang naging malaming ang boses niya sa huling mga katagang iyon.

Bigla nalang akong natumba sa sahig nang hampasin niya ako ng kung ano sa ulo at nawalan ng malay.

NAGISING ako nang makarinig ako ng may nag-uusap, pero si ko muna ibinuka ang mga mata ko.

"I can't believe she did this.." rinig ko ang isang pamilyar na boses ng isang babae.

"We will do some further investigations madam" boses naman iyon ng lalaking hindi ko kilala. "For now, magpahinga na muna kayo, buhay pa naman ang anak nyong si Liam. Antayin nalang natin ang restulta ng operation"

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon