Chapter 23

5.5K 130 8
                                    

Her POV

Nakaupo kaming lahat sa sofa ng salas. Sina Mommy, Daddy, si Acide pati na yung dalawang pulis na dumating kani kanina lang.

"Good morning, We are the police from precinct 12. I am Officer Laz and this is my partner Officer Alex" panimula nung lalaking pulis.

"May witness daw na nakakita sa nangyari at narinig na namin ang side ng kwento niya. Pati na din sa side ni Mr. Stathos. And now we are here to hear your side" sambit naman nung babaeng pulis.

Napatango tango naman ako, naalala ko na naman ang nangyari three days ago. Oo tatlong araw na ang nakalipas pero sariwa padin sa utak ko kung paano sinaksak ni Trevor si Liam ng paulit ulit sa harap ko.

Naglabas ng isang maliit na notebook si Officer Laz at isang ballpen at parang may sinusulat doon.

"Nasaan ka nung nangyari ang krimen?" nagsimula nang magtanong si Officer Alex.

"Nasa loob ng locker room po" sagot ko. Pinilit ko ang sarili kong hindi mautal kahit hindi naman ako ang gumawa nung krimen na iyon.

"Kung saan nangyari ang krimen tama ba?" officer Alex looked at me straight into my eyes.

Dahan dahan naman kong tumango. "Opo"

"Alright, so anong ginagawa mo doon? Please tell me in detail" pinagsiklop ni Officer Alex ang dalawang kamay.

"Uhm, may Activity kasi kami sa Physical Education Class namin and we need to change to our P.E uniforms or else we will be considered as absent." huminga muna ako ng malalim bago sumagot "Before that, inutusan kami ng naunang teacher na dalhin ang notebooks or papers sa faculty kaya kaming dalawa ang huling nakapagbihis. Naunang nagbihis si Liam kesa sakin. Pero nung natapos na siya, nakalimutan niyang dalhin ang sapatos niya which is nasa roon daw namin niya nilagay. Kaya kinuha na niya habang ako ay nagbibihis pa ng P.E uniform ko"

"Paglabas ko sa changing room ay sinuot ko yung sapatos ko kaso nakarinig ako ng mga yapak nun. Nakita ko si Sir Trevor sa loob ng Girl's Locker room which is bawal dahil lalaki po siya. At dun na po niya ginawa ang karumaldumal na bagay kay Liam" dahil sa kaba ay napakabilis kong sinabi ang mga iyon na para bang nasa rap battle ako kung magsalita.

Napatango tango naman ang dalawa.

"Okay. Nung nangyari ang krimen nasaan ka nun?" tanong ulit ni Officer Alex.

Tumikhim ako "uhh, nasa loob po, nanghihina ako ng mga time na iyon because Trevor harassed me" pinakita ko naman sakanila ang markang ginawa sakin ni Trevor, medyo nawawala na ang pagkakulay violet niya nagiging kulay pula na ito. At may maliit na sugat sa gitna "See this? Siya ng gumawa nito, he bit me. Hindi ko magawang makalaban dahil hinawakan niya ang dalawang kamay ko at the same time, he's blocking my legs with his. Nanghihina na din ako that time" paliwanag ko

Bigla namang napakunot ang noo nung dalawa at nagkatinginan. Pero agad naman silang nakabawi sa sinabi ko sakanila at napatango tango.

"But after the crime, natagpuan kang wala kang malay at hawak mo pa ang kotsilyong gamit pangsaksak kay Ms Liam Schreiber" si Officer Laz na iyon "And your finger prints are all over it. May dugo pa ni Ms. Schreiber ang mga kamay mo"

"That time, sinuntok po ako ni Sr. Trevor para mawalan ako ng malay. And I really think that he framed me up." sagot ko kay officer Laz.

Napatango tango naman ito at may sinulat na naman sa maliit niyang notebook.

After some several questions, ay tumayo na sila at nagpaalam ng umalis. Sila mommy din ay nagpaalam na, pumunta lang talaga sila rito saglit para iwitness ang pag iinterview sakin ng mga pulis at balik ulit sila sa Canada para sa business nila. Wala talaga silang time para sakin.

Possessive Psycho Husband (COMPLETED) Where stories live. Discover now