Chapter:4

743 16 0
                                    

Her POV






Nakahalukipkip akong nakatanaw kay bessy Zia na nagcecellphone. Malamang wattpad na naman inaatupag niyan. 





Nakasalamin pa siya habang nakasalampak sa tenga niya ang earphones niya. 






Maganda yan si bessy at saka nagsasalamin lang yan pag nagbabasa. 




Kapag pupunta yan sa bahay ginagawa namin siyang kusinera kasama si Ate. 






Sensya na 'di kasi ako marunong magluto. 



Tagakain nga lang kami ni kuya eh... 





Parehas kaming k-pop fan niyan. 






Parehas din kaming nagdadrawing ng anime. 





Yan ang ilan sa napagkakasunduan namin.. 






Yun nga lang ako mahilig sa novel, romance, pocket books. Siya naman ay nahilig sa wattpad. 






Seryoso din yan at may pagkabitter. 






Ayy ewan!! Andaming manliligaw pero nirereject niya agad. 






Umalis ako sa pagkakasandal sa puno. And yep nakasandal ako dito kanina pagkapasok ko. 






Bigla ko namang naalala yung lalaking bumasag sa pinakamamahal kong salamin. 






Tsk. Bwiset yun.. 





Try niya lang ako takasan at makakatikim talaga siya ng suntok sa akin. 







Dalawang buwan at kalahati na din ang nakalipas at dalawang linggo na lang at magaganap na ang malawakang test. 






At eto.. Papetiks petiks na lang ako dahil nga sa bukod sa nauumay na ako kakareview na alam ko naman na. 




Naglilibot ako. 





Nilapitan ko si Bessy Zia. 





"Woi!!!! ZIA QUIVES WARSHAWSKY!!! MAGREVIEW KA NGA AT HINDI PURO WATTPAD INAATUPAG!!" Sigaw ko kay bessy na alam kong narinig naman niya dahil tinanggal niya ang earphones niya at napatingin sa akin. 





"Ayy oo nga pala!! Shocks!! Nawili ako sa pagbabasa eh" saka niya inabot ang bag niya at binuklat ang libro sa math. 







Napairap na lang ako at saka naglakad. 







"Maglilibot muna ako bessy" paalam ko at naglakad na kahit 'di ko pa narinig na pumayag siya. 





Nang makarating ako sa gym ay agad akong pumunta sa dulo at saka nag indian sit sa bleachers. 





Nakape uniform naman ako eh. 






Binuklat ko naman ang pocket book na nahagip ko sa bookshelf sa library ng bahay ito. 






"Love or Money??" Basa ko sa title ng libro..






Napaisip naman ako doon. 





"Money siyempre!! Aba malay ko sa love na yan" sagot ko. 






Sinimulan ko ng basahin ang libro at saka nagpasak ng earphones sa tenga. 






Wanted: Smart GirlWhere stories live. Discover now