Chapter:43

306 7 0
                                    

His POV

Napabuntong-hininga ako at napagpasyahan na bumili muna ng maiinom.

Pagkalabas ko ng kwarto niya ay pumunta ako sa nadaanan ko kaninang vending machine.

Buti na lang may iniwan na pera si Storm para may maipambili ako ng pagkain at inumin.

Pagkakuha ko ng botelya ng tubig ay bumungad sa akin si Celestina na matamang nakatingin sa akin.

"Gising ka na?" Gulat kong tanong.

Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa suot niyang damit.

"Nakapagpalit ka na agad ng damit? T-teka tatawag ako ng doktor" nagmadali akong tumalikod at pupunta na sana sa nurse station ng may maalala ako kaya lumingon ulit ako pero hindi ko na siya nakita sa pwesto niya.

Kunot-noo kong tinignan ang paligid pero wala siya dito.

Namamalik-mata na naman ba ako?

Iiling-iling na bumalik ako sa kwarto ni Celestina at nakita ko siyang tulog pa rin sa higaan.

Kung ano-ano na yung nakikita ko.

Pagkainom ko ng tubig ay agad akong umupo sa tabi ni Celestina at pinagmamasdan siya hanggang sa unti-unti akong dinalaw ng antok.

--

"So that's him?"

"Mm"

"He looks weak"

"Physically he is and emotionally I guess"

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng haplos sa buhok ko kaya binuksan ko ang mata ko.

"Celestina?" Tanong ko ng makita ko siyang nakaupo na sa higaan habang nakatingin sa akin.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya sa akin na siyang ikinaawang ng bibig ko.

"Tatawag lang ako ng doktor--"

Lalo akong napanganga ng makita ko si Celetina sa harap ko kaya muli akong lumingon sa hospital bed.

"What the--"

"You don't need to call the doctor, dumaan na siya kanina dito ng tawagin ni Felicia"

"Oh come on, I'm sick of that name" usal ng isa pang Celestina.

"I forgot to tell you, she's Hyacinth. She introduced herself as your cousin, well more specifically an adopted cousin of yours from a family on your mother's side. She's also on the competition of some sort your father hosted on the school before"

"Pero hindi pa ganyan yung itsura niya noon" gulat na sabi ko.

"She disguised herself of course, hindi siya pwedeng gumala-gala sa school ng magkaparehas kami ng mukha pero magkaiba ng pangalan" paliwanag ni Celestina.

"So her name is Felicia?" Tanong ko.

"That's right, she's Felicia Ameron my older sister, we're identical but there's a noticeable difference if you looked closely."

"Also her current name she's using is Charlotte Alegre"

"I-ikaw yung pumasok sa kwarto ko? Ikaw din yung sa airport?!" Tanong ko sa kanya.

She shrugged her shoulders and answered me "I'm curious about my sister's husband plus gusto ko din makita ang pamangkin ko" saka siya umupo sa upuan.

"Siya din yung pigura ng tao na nakita mo sa airport dito, sinabi sakin ni Storm" saad ni Celestina.

"Anong, anong ginawa mo kay Desiree? Patay na ba siya?" Seryoso kong tanong.

Ngumisi siya saka sumandal sa kinauupuan niya.

Wanted: Smart GirlWhere stories live. Discover now