Chapter:5

686 20 0
                                    

Her POV


Kanina pa ako nabuburyo dito sa may gate.



Ang tagal talaga ni Bessy. 




Si kuya?? Ayun dumiretso sa room nila at nagreview para daw sure mamaya. 




Yes.. Mamaya na magaganap ang malawakang test. 





Iniisip ko tuloy kung ano yung reward?? 





Sana scholarship para makatipid ako sa tuition. (Dahil nga may negosyo na ako) ako na ang nagbabayad ng expenses sa school para sa sarili ko. 




Isa pa.. Baka may kasamang allowance pa yun. 




At eto ako nakatayo at hinahayaan ang mga matatalim na titig ng ilang tao. 




Kanina pa yan. 




"Bessy!!" Rinig kong sigaw ni Bessy Zia. 





"Tsk. Ang tagal mo" reklamo ko at saka naunang maglakad papasok ng school hanggang sa makarating kami sa room. 





Hanggang dito ay matalim ang tingin nila sa akin (sakin talaga sila nakatingin). 



Kasama na yung mga nerds talaga. 





Tsk. Ano na naman ito??




Umupo na lang kami ni Zia sa upuan namin.. 





Wala na ang tingin ng ilan sakin ng makita nilang nagbukas ng libro si Zia. At dun lang sila parang may narealize. 





Ako?? Nagbabasa... Ng pocket book. Yung 'Love Or Money'?? Di ko kasi natuloy kahapon eh. 







Nasa may part na ako na umiiyak yung character kaya napapaiyak din ako. 





Ilang sandali pa ay... 




'Attention students! Please bring pencil, sharpener and an eraser for the exam.. After that you can now go to yhe gymnasium to take your deignated seats there' sabi nung nag announce. 





Nilabas ko ang violet kong pencil case at saa kinuha ang lapis ko na nilagyan ko ng kulay violet na scotch tape. 




Isang kulay violet na sharpener at kulay violet na eraser. 

Dinala ko din ang wallet at cellphone ko at iniwan ang bag sa room. Ganun din yung iba. 





Sabay kaming naglalakad ni Bessy Zia ng makasalubong namin si Hyacinth na naglalakad pabalik sa room. 




Kaklase namin yan. At masasabi kong weird siya. Dahil napakahilig niya sa black. 






Siya yung pa-mysterious type ng room. 




She's also rich but i can tell na tahimik siyang tao. 






Hindi mahilig makihalubilo pero ang mga tao pa mismo ang lumalapit sa kanya. 




Aaminin ko matalino din siya. She can even beat me easily but she didn't.


She's not even participating activities pero mataas ang mga exams niya. Pero kapag quiz ay hindi siya nagsasagot at hinahayaan lang kaming magsagot. 




Nakakagraduate naman siya pero mababa nga lang ang grade niya dahil kulang ang records niya pag grading. Ang nakakapagtaka lang ay nasa section one parin siya. 




Wanted: Smart GirlWhere stories live. Discover now