Chapter:41

280 5 0
                                    

His POV

"Mom! Where's the diaper?" Sigaw ko.

"Hay nako bro eto oh" si ate na inabot sa akin ang isang diaper kaya agad ko itong sinuot kay Elerus pagkatapos ko siyang linisan.

"Damn bro you look awesome" natatawang sabi ni ate habang tinitignan ako.

Napasimangot ako saka inilapag sa crib si Elerus.

"Maliligo lang ako, pakibantayan muna si Elerus" saka ako pumunta sa kwarto ko at naligo.

It's been a week simula ng dito kami lumipat ni Elerus. Ilang araw ko na ding kinukulit si Rain na baka may pinadalang message sa kanya si Celestina.

Pero wala. Wala pa daw siyang update sa nangyayari doon.

Napabuntong-hininga ako saka tinapos na ang paliligo ko.

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong kinuha yung libro na binigay sa akin ni ate tungkol sa pagmamanage ng kumpanya.

Ako daw muna ang mamamahala habang wala pa si Celestina. Pumayag naman ako dahil ayokong umasa kanila mommy pagdating sa expenses.

At sinabi na din nila ate na dito sa bahay ako magtatrabaho at magsesend lang ng email sa secretary ko doon sa kumpanya.

Ang secretary ko din ang pansamantalang representative at dadalo sa mga meetings habang wala ako dahil nga sa hindi ako pwedeng lumabas ng bahay.

Pagkatapos ko magtimpla ng kape ay agad din akong umakyat papunta sa kwarto ni Elerus kung saan ako madalas magbasa para mabantayan ko na din siya.

--

"What?! Tell that jerk that we'll reject their project proposal-- Tell him that my brother can't go!"

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni ate at napabuntong-hininga dahil mukhang nakatulog na naman ako, mukhang hindi naman epektibo ang paginom ng kape.

"Ano ba yan? You're so loud ate, can you take that call outside?" mahinahon kong sabi saka sinulyapan si Elerus na tulog parin.

"Hi, ako muna titingin kay Elerus since mukhang may pag-uusapan kayo" biglang pasok ni Rain saka kami sinenyasan na lumabas ng kwarto.

"Ano ba yan ate?" Tanong ko pagkalabas namin.

"Mayroong gustong kumausap sayo personally about sa proposal nila para sa kumpanya. Ayoko sanang sabihin sayo kasi hindi naman gaanong mahalaga yung project na pinopropose niya, we can reject it. Hindi naman siya kawalan" sabi ni ate habang nakahalukipkip.

"Then I'm going, saan ba yung meeting place?" Tanong ko.

"You can't go!" Inis na sabi ni ate.

"We're talking about the risk of the company's reputation. What will people say kapag hindi man lang dumalo sa simpleng meeting yung may-ari ng kumpanya?" Seryosong sambit ko.

"Fine I'll be talking to them then! We're also talking about your life here! Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay, anong malay natin na bigla ka na lang bumulagta sa harap ng pintuan ng bahay pagkalabas mo?!" Galit na singhal ni ate. Napabuntong-hininga ako.

She's right.

"Andaming sinakripisyo ni Celestina para sa iyo, ang tanging gagawin mo lang ay pumirmi dito sa bahay hangga't hindi pa nawawala ang threat sa buhay mo!"

Napatango ako tanda na pag-intindi.

"Alright, I won't go don't cry sis" saka ko pinunasan ang mata niya.

"You look ugly when you cry" dagdag ko na dahilan para batukan niya ako.

"Masakit!" Daing ko. Ang bigat talaga ng kamay nitong babaeng 'to.

Wanted: Smart GirlWhere stories live. Discover now