Chapter:21

341 9 0
                                    

Her POV

Everyone's busy while I'm here at my room..

Bored

Sleepy..

But what can I do? They told me to wake up early this morning.

Ah, I forgot to say that today's my wedding.. And my 18th birthday.

And guess what? My party will be held after the wedding.

Ugh so boring.

Humilata ulit ako sa higaan ng may biglang nagbukas ng pintuan ng kwarto ko.

Agad akong napabangon na makita ang mga dala-dala nila.

Make up kits.

"Goodmorning ms. Ameron kami po yung bahala sa make up niyo.."

I composed myself. "Uhm.. I'll just take a bath" sambit ko saka nagmamadaling pumasok sa loob ng cr.

--

Nakangiwi akong nakatingin ngayon sa salamin.

Pagkatapos ko kasing magbihis ng bath robe ay sinabihan nila akong maupo na sa harap ng salamin.

"There.. You're so pretty ma'am" sabi ng nag make up sakin.

Nakatitig parin ako sa salamin saka huminga.

"Okay na din po yung hair style niyo"

Agad nilang pinasuot sa akin yung wedding gown ko saka sapatos ko.

Nang biglang bumukas ang pintuan.

"Naka ready na po yung sasakyan niyo ma'am. Nandoon na din po ang lahat sa wedding venue.

Isang simpleng garden wedding ang napili nila mommy.

'Yon ang sabi sa akin dahil wala naman akong pake kung saan man ako ikasal.

Agad nila akong inalalayan sa pagpasok sa sasakyan.

At ng makapasok na ako ay pinaandar na ang sasakyan.

Tamad akong tumingin sa labas hanggang sa makarating kami.

Inalalayan din ako sa pagbaba.

Nang maglakad ako ay bigla akong nilapitan ng isang coordinator.

"Dito po tayo ma'am."

Pinatayo niya ako sa aisle saka siya sumenyas sa kung sino.

Nang magsimula ang music ay naglakad na ako.

Nakita ko sa dulo si Zepp na matamang nakatingin sa akin.

Gusto ko man siya taasan ng kilay pero 'di ko magawa.

'Di kasi ako kumportable sa suot kong contact lens tss.

Nang makarating ako sa tapat ni Zepp ay medyo humilig siya sa akin saka nagsalita.

"You look beautiful"

Hini ko na lang siya pinansin saka tumingin sa pari.

I don't need any of his compliments I just want this to get done.

Third Person's POV

Kasalukuyang nagaganap ang kasal ng may isang babae mula sa labas ng venue na tila humahangos.

Dere-deretso ang lakad niya ng harangan siya ng mga guard.

"Miss meron po ba kayong invitation?" Tanong nito.

"K-kuya, kilala ko naman po y-yung ikakasal eh" naiiyak na sambit nito.

"Sorry miss, mahigpit pong pinapasabi ng mga Ameron at Alcantara na hindi maaaring pumasok ang sinuman maliban na lang kung may imbistasyon kayo galing sa kanila" mahinahon na sambit ng guard.

"K-kuya please.." Tuluyan na itong napahagulgol.

Magsasalita na sana ulit ang babae ng may isang babae na lumapit sa kanila.

"Let her in" mahinahon na sambit nito.

Wala namang nagawa ang mga guard  kundi ang gumilid para padaanin ang umiiyak na babae.

Nagtataka man ay nagpasalamat ito sa babaeng nagpapasok sa kanya at nagmamadaling pumasok.

Ngunit tila nagimbal ang kanyang mundo ng makitang hinalikan ni Zepp si Celestina tanda na kasal na silang dalawa.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng kanyang luha at tila 'di malaman ang gagawin.

At ng dahil sa nasa gitna siya ng aisle ay napatingin sa kanya ang ilan sa mga bisita..

'Sino yan?'

'Invited ba yan?'

Hindi niya iyon pinansin at napako na lamang ang kanyang paningin sa dalawa.

"Z-zepp" nanghihinang sambit niya.

Nang tumingin ang dalawa sa harap ay gulat na napatingin sa kanya si Zepp habang wala namang reaksyon si Celestina na nakatingin lang sa kanya.

Lalapit na sana ang babae ng may humigit sa kanya.

"Hindi ka maaaring magtagal dito kung gusto mo pang mabuhay" madiin na sambit ng babaeng nagpapasok sa kanya.

"P-pero.." Umiiyak parin nitong sabi.

Tinulak siya ng babae sa labas saka ito nagsalita. "Wala ka ng babalikan, pinapasok ka dito para makita ang dapat mong makita" saka ito tumalikod at naglakad papasok sa loob.

Napakuyom ang kamao ng babae at umalis sa lugar na iyon dala ang galit sa dibdib.

--

Samantala ay tulala parin si Zepp hanggang sa makarating sila sa reception kung saan gaganapin din ang kaarawan ng kanyang asawa.

"Zephyrus Alcantara" madiin na tawag ni Celestina kay Zepp.

Napatingin si Zepp sa kanya at saka ito nagsalita.

"Who let her in?" Tanong nito. Ngunit sa tingin pa lamang nito ay nang-aakusa na sa kaharap niya.

"Why are you asking me? I don't know. Anyway bakit 'di mo siya inimbita? I thought you two were close to each other?" Tila nagtataka na tanong niya kahit na alam na niya ang namamagitan doon sa dalawa.

"Whatever" dagdag ni Celestina saka sumandal sa upuan niya.

"You know everything, am I right?" Tanong ni Zepp sa kanya.

Tumawa naman si Celestina saka siya nginisian.

"I even know that you almost marry her secretly, but then 'they' caught you and threatened the both of you" nakangisi paring sambit nito.

Nag-igting ang bagang ni Zepp habang mariin itong nakatingin sa babaeng kaharap niya.

"You know everything yet you didn't do something? Akala ko ba ay ayaw mong makasal sa akin?" Gigil na tanong niya.

Muling tumawa ang dalaga saka nagsalita. "It is because of the tempting offer that 'they' offered me."

"Damn it." Gitil na bulong ni Zepp at pilit pinakalma ang sarili.

Marami ang bumati sa kanila kaya pilit ngiti siyang nagpasalamat dahil mukhang walang balak pansinin ni Celestina ang mga ito.

Wanted: Smart GirlWhere stories live. Discover now