Chapter:13

455 6 0
                                    

Her POV



Naglalakad na ako palabas ng bahay at si mommy kanina pa ako pinipigilan. 



Kesyo kelangan kong paghandaan yung kasal, 'di ko na daw kelangan mag-aral pa kasi matalino naman daw ako at kaya ko na ang sarili ko. Seriously? Si mommy lang yung kilala kong ganyan.




I frowned. "Mom. I want to go to school okay? It's my choice, marami pa pong araw para paghandaan yan" inis na sabi ko at saka binuksan ang pintuan ng kotse ko. 



"Alright fine fine" pagsuko ni mom. 



Seriously? Imbis na I push niya akong mag-aral pa ng mabuti.. Mas pinupush niya pa akong pagtuunan ng pansin yang kasal na yan. 


Agad kong pinaandar ang sasakyan papuntang school. 


Nang maipark ko na iyon ay agad akong lumabas bitbit ang bag ko at ilang libro. 


Kita ko ang ilang masasamang tingin sa akin ng mga estudyante but i don't care anyway. 



"Akala mo naman maganda"



"Duh, talino lang naman ikinalamang niya"



I rolled my eyes. Big deal parin sa kanila yon? 




Kung wala lang talaga akong mapapala kay Zepp baka matagal ko na siyang pinamigay tsk. 




Kung naging aware lang sana ako sa mangyayari sa mismong araw nung test noon, baka di na ako pumasok noon. 



Nakakainis, isama mo pa yung dissapointment ko noon. 



Akala ko pa naman pera yung mapapanalunan ko noon. Tapos yung tingin ko pa noon na. 'Aanhin ko naman yan? Ibebenta ko yung laman loob sa black market?'



Pero okay lang din naman, akala ko wala akong mapapala sa kanya, buti na lang talaga meron. 



You think I'm a user? Well may paniniwala kasi akong.. Kapag walang pakinabang, dapat itinatapon. 



Yan ang naging motto ko simula ng lumaki ako. 



Mukha bang pera ako? Well, it's just that i need money for my future. Para kapag oras na para umalis ako kila mom at dad, kaya ko ng buhayin sarili ko. 




Maaga kong naabot ang pangarap ko at yun ay ang gumawa ng mga gowns at dress. 




NANG Makarating ako sa room ay agad kong ibinaba ang bag ko sa upuan ko. 




Nakita ko pa si Hyacinth na nakaub-ob ang mukha sa lamesa.



I'm still confused kung bakit minali niya yung isang sagot niya noon sa test. 



Ayaw niya ba kay Zepp? 



Inalis ko din ang tingin sa kanya at saka tumingin sa labas ng room. 
Hanggang sa narinig ko ang tili ni Zia. 



"Bessyyyy!!!!" Tawag niya saka ko na lang naramdaman na niyakap niya ako. 


"Zia" sabi ko saka ako ngumiti sa kanya. 



"Namiss kita bess" sabi niya habang nakanguso. 



"Ako rin, pero sa totoo lang di kita masyadong naalala nung di ako nakapasok nitong mga nakaraang araw" i said bluntly. 




"You're so mean" saka niya ako hinampas sa braso na ikinangiwi ko. 




Ang bigat talaga ng palad. 



"Andami mong kelangan ikwento sakin" 




"At ano namang ikukwento ko sayo? Yung kung anong nangyari matapos nung habulan namin nila Zepp?" Irita kong tanong. 




"Oo!" Sigaw niya sa mismong tenga ko. 



"Whatever" saka ko siya inirapan. 



"Ih dali na bessy" saka niya ako inalog-alog. 




"Alright alright, after school okay?" Pagsuko ko. 





"Okayy" nakangisi niyang sabi. 




Di na ako nagsalita hanggang sa nakita kong pumasok sa loob ng room si Zepp na siyang ikinalaki ng mata ko. 



"Z-zepp?" Gulat na tawag ko sa pangalan niya. 



Di naman siya sumagot at tinignan ako ng matiim. 




Nagulat pa ako lalo ng umupo siya sa tabi ko sa kabila.




"A-anong-"





"Your mom told me na pumasok ka daw ulit so I decided to follow you, I enrolled" bored niyang sabi. 



"But-- you can't patapos na ang school year--"


"I can of course, my father is the owner of this school. I can enroll whenever I want" 



Napairap ako sa hangin dahil sa walang kwentang dahilan niya. 



Ang unfair kaya non sa mga gustong lumipat ng school ng ganitong magtatapos na ang school year. 



At ano namang gagawin niya dito? Tatambay lang? 

Kainis. 

Kaya nga ako pumasok para malibang ako at para pansamantalang kalimutan ang kasal na yan. 

Tapos ano eto? Nandito yung mapapangasawa ko na parang nagpapaalala na ikakasal pala ako sa mismong kaarawan ko. 

Napabuga ako ng hangin sa inis. 

He's really stupid.

Wanted: Smart GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz