Chapter:14

417 8 0
                                    

Her POV

Sa buong duration ng klase, walang ginawa itong si Zepp kundi ang sulat-sulatan ng kung ano-ano yung likod ng notebook ko. 

At sa kabila ko naman ay ang bestfriend ko na patagong nagbabasa ng wattpad story sa cellphone niya na nakatago sa libro niya. 

Nagbabasa daw kuno. 

Habang ako naman ay nakikinig lang sa guro namin. 

Tsk. Of course kelangan kong bumawi. 

Ayokong mawala sa top 'no. Kasama parin yan sa goal ko habang nag-aaral ako. 

--

Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa cafeteria at halos lahat ng tao doon ay sa amin nakatingin. 

I can also hear them whispering. 

"Siya yon"

"Arg how lucky she is"

"Talino lang naman panlaban niya duh"

I almost roll my eyes. Can't they just mind they're own business? 

Seriously? 

I frowned at my thought and diverted my attention for my lunch. 

"Two ham sandwich, two large fries and a can of coke" I said and paid it. 

Agad kaming umupo sa nakita naming table at saka nagsimulang kumain. 

Nasa kalagitnaan kami ng tahimik na pagkain ng may tumapat sa table namin. 

"Hahaha di ka man lang pinapansin ni Zepp, it's because you're a nerd!"

I remained silent and continued eating when she pulled my tray with my food in it. 

"I'm talking to you, don't you dare ignore me" maarte niyang sambit. 

Napapikit ako sa inis dahil sa ginawa niya. 

"Why don't you mind your own damned business bitch?" I said while looking straight into her eye that made everyone gasp. 

It's her fault. I'm in the middle of eating my food and just interrupted me for me to pay attention to her? Damn it. 

"H-how dare you!!" She said while pointing her filthy finger on me. 

"Get the hell out of my sight" I said while gripping my can of soda tightly. 

"You have no right to command me! You're just a nerd!" She shouted. 

"Enough" 

Napatigil kaming dalawa ng papansin na ito ng sumigaw si Zepp. 

Napahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. 

"Did you just shout?" Tanong ko sa kaniya.

"Will you stop arguing in front of me?!" Inis niyang sambit. 

"Whatever, I lose my appetite anyways" saka ako tumayo at umalis sa lugar na iyon. 

Padabog kong sinipa ang puno sa harap ko dahil sa inis. 

Nagugutom ako. 

Sisipain ko sana ulit yung puno ng may isang large fries na lumitaw sa harap ko.. 

Joke, merong may hawak doon sa fries. 

Agad akong naglaway ng makita ko yon. 

Akma sana akong kukuha ng kunin ito ng kung sinong may hawak dito. 

Naiiyak akong napatingin sa may hawak noon. "Akin na lang yan please" nagmamakaawang sabi ko. Sobrang nakakatakam yung fries.

"Himala, 'di ka nagsungit hahaha" natatawang sabi ni Francis. Tama si Francis nga. 

"Akin na lang please" akma ko itong aabutin ng itaas niya ito. 

"Di mo na ako susungitan?" Tanong niya. 

Agad akong umiling. "Hindi na" wala sa huwisyo kong sambit. 

Agad niya itong inabot kaya mabilis ko itong hinablot sa kamay niya at saka mabilis itong kinain. 

"I saw what happened, kaya naisip kong bilhan ka niyan, alam ko namang gutom ka pa rin" sabi niya na tumabi sa akin. 

"Pano mo nalaman?" Taka kong tanong. 

Nakita kong namula yung pisngi niya matapos kong itanong yun. 

Napangisi ako. "May gusto ka sakin ano?" Natatawa kong tanong saka sumubo ng isang fries.

"H-hindi kaya kita gusto" saka ito tumayo saka naglakad. 

Napakibit-balikat naman ako at hinayaan siyang umalis. 

Basta ako masaya sa kinakain ko. 

-

Pabalik na sana ako sa room ng may humarang sa daan ko. 

"Hindi ka bagay ka Zepp!" Sigaw ng nasa gitna saka ako tinulak-tulak ako. 

Kunot-noo ko itong tinignan. 'Di ba sila maka move on? Nakakairita na sila.

Ang lakas ng loob nitong unano na 'to tsk. Sinasayang niya ang oras ko.

Pag ako nainis titirisin ko ito. 

"Ano? Na realize mo na, na 'di ka bagay ka Zepp?" Nakangisi nitong tanong. 

"Umalis ka sa harap ko. Nakakairita yang pagmumukha mo" saka ko siya tinulak. 

Muntik pa akong matawa dahil muntik pa siyang matumba dahil lang sa simpleng pagtulak ko. 

"How dare you!" Galit na sigaw niya. 

"Tabi nga" saka ko sila hinawi. 

Duh, 'di porket 'nerd' ako eh hahayaan ko na ang sarili ko na magpaapi. 

Natatandaan ko pa noon yung kapitbahay namin nila Kiefer na tinuruan ako kung paano ko poprotektahan ang sarili ko. 

Kaya lang lumipat sila sa Canada kasi nandoon daw yung business nila ng parents niya. 

And yup, babae siya. 

Nakalimutan ko na yung pangalan niya, pero sobrang astig talaga niya. Cold talaga personality niya tapos kami lang talaga nila Kiefer yung nagiging dahilan kaya siya
ngumingiti. 

I missed her, anyway kakapasok ko pa lang sa loob ng room.

Buti na lang wala pa yung teacher kaya agad akong umupo sa upuan ko at naghintay. 

Wanted: Smart GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz