Chapter:22

332 11 0
                                    

Her POV

"Bottoms up!" Sigaw nila kaya deretso kong ininom ang isang shot ng alak.

Ramdam ko ang pagguhit nito sa lalamunan ko kaya idinaan ko ito sa tawa.

Nandito na kami sa bar ng hotel matapos doon sa reception sa kabila para sa mga bisita.

Pagkatapos ng isang yon ay sunod-sunod na ang pag-inom ko hanggang sa 'di ko na namalayan na lasing na ako.

"Oh come on, stop drinking na Celestina. You're already drunk" pigil sa akin ni ate Hannah.

Napatawa ako. "Nooo ate I-I'm not yet drunk, this is my birthday okay? Let me celebrate it"

Napahampas sa noo si kuya saka nilapitan si Zepp.

"Dalhin mo na sa kwarto ang asawa mo" utos niya.

Napakunot ang noo ko ng lumapit sa akin si Zepp.

"B-bakit?" Tanong ko.

Tinignan ko siya mabuti at nakita kong tila naging dalawa siya.

"O-oy tignan mo oh d-dalawa ka, 'di mo naman s-sinabi na may kakambal ka" natatawa kong sabi.

Nang makalapit siya sa akin ay nagulat ako ng binuhat niya ako.

"What the--" lalo pa akong nahilo matapos niya akong buhatin.

"Tss. Bakit kasi iinom-inom ka pa kung 'di mo naman kaya?!" Sigaw nito sa akin.

"Wag mo nga akong sinisigawan!" Inis na sigaw ko pabalik.

Sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang loob ko at saka ako humikbi.

Parang nataranta naman siya at saka tumingin sa akin.

"What the-? I'm sorry I-I didn't mean to shout- arg" mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator.

"Shh, stop crying Celestina" pagpapatahan nito sa akin.

Unti-unti ay tumigil na ako sa pag-iyak at gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na siya sa elevator at nagmamadaling naglakad.

Nang makarating siya sa isang room diyo sa hotel ay agad niya itong binuksan.

Dumiretso agad siya sa isang higaan at inihiga ako doon.

Para ulit akong nahilo kaya wala sa sariling hinawakan ko ang braso ni Zepp.

"B-bakit?" Takang tanong niya.

Agad ko siyang hinila papalapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng kanyang malambot na labi sa akin..

--

Ramdam ko ang lamig sa aking katawan kaya mas ibinalot ko ang kumot sa sarili ko.

Hahayaan ko na sana ulit na makatulog ako ng may maramdaman akong tila kumikirot sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Hanggang sa namutla ako ng marealize ko ang nangyari kaya wala sa sariling napabalikwas ako ng bangon.

"What the hell" sambit ko ng makitang wala akong saplot sa katawan.

Agad kong itinakip ang kumot sa katawan ko at inis na sinabunutan ang sarili ko.

"Damn it. Anong nangyari kagabi?" Naguguluhan kong tanong sa sarili ko.

Nasa ganon akong sitwasyon ng may humapit sa bewang ko.

"Goodmorning.." I can feel his warm breath on my neck.

Wanted: Smart GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon