Chapter:44

304 7 0
                                    

"Celestina!!"

Hindi ko na narinig ang sinabi nila dahil tila nabingi ako sa sunod-sunod na pagsabog '
di kalayuan sa akin.

What the hell? Why did it set off too early?!

Aalis na sana ako sa pwesto ko ng bigla umikot ang paningin ko ng ilang sandali.

Tinignan ko ang mga sugat ko at halos mapamura ako dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo na galing sa sugat na natamo ko.

Minadali ko ang paglalakad ng bigla akong tumilapon dahil sa pagsabog malapit sa pwesto ko.

Hirap man sa pagtayo ay pinilit ko ang sarili ko sa pagtalon palabas ng barko ng marating ko ang labasan.

Hindi pa kami nalalayo sa kalupaan dahil sa mabagal din ang pagpapatakbo ng barko kanina.

Agad kong nilangoy ang isa sa mga lumulutang na debri galing sa pagsabog ng barko.

Huminga ako ng malalim at lumangoy pa ng malayo sa barko para hindi ako matalsikan ng debri galing doon.

Inihiga ko ang ulo ko sa kahoy at ipinikit ang mga mata ko.

Gusto ko pa sila makita.

Ang tanging lumabas sa bibig ko bago ako lamunin ng kadiliman.

--

His POV

"That's what happened" tumingin siya deretso sa akin pagkatapos ikwento ang nangyari.

"Actually, bukod sa daplis ng bala sa katawan na nakuha niya sa pakikipaglaban ay may malaki siyang sugat sa likod dahil sa pagsabog kaya halos nasa state of coma na siya" paliwanag ni Celestine.

Napabuntong-hininga ako.

"Alam na ba ito nila tita-- I mean mom?" Tanong ko.

"No, they're on a vacation right now"

"Parehas kami ni Celestina ng dugo at ako lang ang kamag-anak niya dito noon kaya naagapan si Tina bago pa naging kritikal ang kondisyon niya"

"I see" sabi ko at tumango.

"You're free now Zepp, wala ng magtatangka sa buhay mo" saad ni Celestina.

Ngumiti ako ng pilit.

Pumailanlang ang katahimikan sa kwarto ng tumunog ang telepono ni Celestine.

"Sagutin ko lang" sabi niya saka lumabas ng kwarto.

"Kamusta si Elerus, Zepp?" Tanong ni Tina.

Bakas ang pagkasabik sa kanyang mata. She really missed our son.

"He's fine, pinagpaplanuhan na namin ang binyag niya kahit malayo pa" natatawa kong sabi.

"I can't wait" sabi niya at napaluha.

Agad kong pinunasan ang luha sa mata niya.

"I've quitted my job, pwede na akong mamuhay ng normal kasama kayo" nakangiti niyang sabi.

It felt like this is my first time seeing her smile like this. Pure and genuine.

Nag-usap kami ng mga ilang bagay ng pumasok sa loob ng silid ang doktor at sinabing ichecheck nila ang kalagayan ni Tina.

"Well, you need to stay here for a few days for monitoring your condition, to avoid complications, you also need to finish your medicine and you're good to go"

"Thank you doc"

"You're welcome, if you need something, you can come to my office" saka siya umalis.

Wanted: Smart GirlWhere stories live. Discover now