Chapter - 2

718 19 8
                                    

Katulad ng sinabi ni Jake kahapon pumasok na sya ng school ngayon tingin ko marami syang hahabulin na mga lessons.

Ako kaya kailan kaya ako makakapasok ulit ng school? Halos dalawang buwan na ako absent dahil sa sakit ko. Naiintindihan naman ng mga teachers ko ang kalagayan ko pero iba parin talaga pag araw araw ka pumapasok ng school.

"Ma kailan po ako makakalabas dito?"

"1 to 2 weeks pa daw sabi ng doctor" sabi ni mama.

"Makakapasok na po ako ng school?"

"Tatanong natin sa doctor mo anak"

Sana talaga payagan na ako.

"Ay ma, kilala nyo na po ba ang donor?"

Umiling sya "Hindi pa ilang beses ko na tinanong si doc pero ayaw talaga sabihin confidential daw"

"Pano po natin sila mapapasalamatan? "

"Sinabi ko naman kay doc na iparating sa kanila ang ating pasasalamat ang magagawa lang natin ay ipagdasal sila"

Tumango ako. Bakit kaya ayaw nila ipaalam? Sino ba naman taong mag dodonate ng puso sa taong hindi nila ka kilala. Sino ba naman ako sa kanya? Bakit nya kaya dinonate ang puso nya sakin? Kung ano anong mga bagay ang tumatakbo sa isip ko kaya hindi ko namalayan na lumabas na pala si mama.

Kailangan nya kasing mag trabaho para sa mga gamot ko, si papa nasa ibang bansa isa syang ofw umuwi sya noon bago ako operahan pero umalis din sya nung nalaman nya successful ang operation kasi kailangan daw namin ng pera para sa bayarin sa hospital.

Feeling ko tuloy ang laking pabigat ko sa magulang ko dahil sa sakit ko pero ilang beses nilang sinabi na obligasyon daw nilang mga magulang mapabuti ang kanilang mga anak kaya gagawin nila ang lahat para lang gumaling ako. Noong una wala pang nahahanap na donor at sobrang lala na ng kalagayan ko walang araw na hindi sila ng hanap halos araw araw sila umalis at pumupunta sa iba't ibang hospital.

Mabuti nalang nasa tabi ko si Jake sa mga panahong wala sila mama sya ang ng babantay sakin.

Tatayo sana ako para kumuha ng tubig ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki kahapon. Muli ako humiga dahil sa ibang presyensyang dala nya.

"Ano na naman po ginagawa mo dito?" i asked

Hindi sya ng salita bahagya sya lumapit sakin at ng salin ng tubig tsaka binigay sakin.

Kinuha ko ito "Thank you"

Ininom ko ito tsaka muli syang tiningnan napansin kong naka hoodie jacket na naman sya pero color blue at naka shades na naman sya kagaya nung una.

"Ano po bang kailangan nyo sakin? Sino ka po?"

"I'm Zachary" ang akala ko hindi na naman sya magsasalita kaya bigla ako nagulat at kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako dito at pumikit.

Naramdaman ko na hinawakan nya ang balikat ko "Ayos ka lang?" may pag-aalala sa tono sya.

Tumango ako "Ayos lang ako, hindi ko alam pero bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nag sasalita ka" pag amin ko.

Agad nya tinangal ang pagkakawak sa balikat ko, tiningnan ko sya kahit na hindi ko kita ang mata nya alam kong nabigla sya.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya

Tumango lang sya hindi na muling ng salita kaya ng tanong ulit ako.

"Bakit po kayo nandito ano po kailangan nyo? "

Hindi sya ng salita pero kinuha nya ang cellphone nya at may ng type sya doon. Aba kinakausap ko sya tapos makikipag text sa iba? Teka ano ba tong iniisip ko?

Hinarap nya sakin ang cellphone nya kaya tiningnan ko ito.

Gusto ko bisitahin ang puso nya.

Lumaki ang mata ko sa nabasa ko, so alam nya kung sino may ari ng puso ko?

"Kilala mo kung sino donor ko?" tanong ko

Muli syang ng tipa sya cellphone nya at pinakita ito sakin.

Oo

" Bakit ayaw mo mag salita?" Nag type sya ulit

Baka bumilis ulit ang tibok ng puso nya.

Nya? Sino ba sya?

"Pwede kana mag salita hindi naman masakit eh" tumango sya "Anong pangalan nya?"

Umiling sya "Hindi pwede sabihin ayun ang bilin nya"

"Bakit ayaw nya sabihin? Bakit nya binigay ang puso nya sakin ? Napano ba sya? "

Sunod sunod na tanong ko pero kahit isa wala syang sinagot.

"Ano ka nya? " tanong ko ulit pero hindi sya sumagot kaya na nahimik nalang ako.

Ilang minuto sya nasa kwarto ko na parang isang guard na ng babantay sakin habang naka tingin lang sakin.

Na iilang na ako sa totoo lang pero hindi ko magawang mag reklamo dahil kilala nya ang donor ko kaya ayoko sya paalisin baka kasi magalit sakin at isumbat sakin ang puso ko.

Aalis na sana sya pero may napahinto sya at may kinuha sa bulsa ng jacket sya at inabot nya sakin yun.

"Paborito nya yan" kinuha ko ang isang maliit na sunflower na binibigay nya.

Parang may kung ano sa puso ng makita ko ito ay bigla ako sumaya.

"Salamat" sabi ko habang naka ngiti tumango sya akin at tuluyan ng umalis.

Nakaramdam ako ng lungkot sa paglabas nya ng pinto. Pero ilang saglit lang nawala ito ng pumasok si Jake.

"Hi love" bati nya sakin sabay halik sa noo ko.

Natuon ang mata nya sa bulaklak na hawak ko at kumunot ang noo nya.

"Kanino galing yan?" tanong nya

"K-kay mama bigay nya sakin kanina" i lied

Tumango sya na parang ng tataka "Hindi ka naman mahilig sa bulaklak ah bakit ka binigyan ni tita?"

"B-baka nagustuhan nya kaya binigay sakin diba mahilig si mama sa bulaklak"

Muli sya tumango "Kamusta school? Mukang pagod ka ah" pag iiba ko ng topic.

Agad sya umupo sa sofa na malapit sakin at sumandal doon "Oo ang dami kong hinabol na lessons" halata sa boses nya ang pagod.

"Kawawa naman ang love ko, may assignment kaba? Gawin na natin?"

"Mamaya na iidlip lang ako" sabay pikit ng mata nya.

Hinayaan ko nalang sya matulog, pinagmasdan ko ang muka ni Jake hindi talaga mapagkakaila na maganda syang lalaki kaya maraming ng kakagusto sa kanya. Nagtataka nga ako kay Amara kung bakit hindi sya nag kagusto kay Jake eh bukod sa gwapo sya ay sobrang mabait at maaalahanin pa sya napaka gentleman pa.

Biglang pumasok sa isip ko si Zachary at kasabay nito ang muling pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano kaya kaugnayan nya sa may ari ng puso na ito?

--

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now