Chapter - 7

356 18 1
                                    

Habang ng susuklay ako ng buhok may biglang pumasok na batang babae sa silid ko.

Pinalibot nya ang kanyang mata sa buong kwarto, naka hospital dress din sya kagaya ko, ang buhok nya na medyo kulot sa baba at ang napaka puti nyang balat ang una mong mapapansin

"Hello" bati ko sa kanya

Saglit syang tumingin sakin at lumapit tsaka umupo sa kama ko.

"Hi" bati nya sakin

"Ano name mo?" tanong ko

"Ako si Bea" sagot nya.

Kinuha nya ang suklay na hawak ko at sya na ang ng suklay sa buhok ko.

"Ako naman si ate--"

"Ate Heart" pag putol nya sa sasabihin ko.

"How did you know my name?"

"May ng sabi lang sakin na pogi" sabi nya sakin na may halong kilig.

Nagtaka naman ako sa sinabi nya madalas Katherine ang tawag sakin ng mga tao wala pang tumatawag sakin gamit ang ang second name ko.

"Sino sya?" tanong ko

"Secret" bulong nya

Tinuloy nalang nya ang pagsuklay sa buhok ko, minsan tinatalian nya ito na parang isang princess madami syang alam na style sa pag tali ng buhok.

"Bakit ka pala nandito" tanong ko sa kanya

Umalis na sya sa likod ko at humarap sya sakin komportable syang umupo sa harap ko ang tumitig sa muka ko.

"Wala lang gusto ko lang malaman kung bakit lagi pumupu-"

Naputol ang sasabihin nya ng bumukas ang pinto at pumasok dito si Zachary. Agad naman umalis ang bata sa kama ko at sinalubong ng yakap si Zachary mag kakilala sila?

"Luke!" masayang bati nya kay Zachary sabay yakap ginantihan naman agad nya ito ng mahigpit na yakap.

"Batang makulit" sabi sa kanya ni Zachary

Ngumuso naman ang bata "hindi na ako bata"

Narinig ko ang mahinang pag tawa ni zachary, parang may malamig na bagay na humaplos sa puso ko ng marinig ko ang pagtawa nya. Ang sarap marinig ang tawa nya.

Mabilis kong iniwas ang mata ng magtama ang mata namin, tumingin ako sa dereksyon ni bea nakita kong papalit palit ang tingin nya saming dalawa.

Umupo na si Zachary sa sofa at kinandong nya si bea. Ang cute nilang tingnan dalawa, nakita ko ang lapad ng ngiti ni bea.

"Namiss kita luke" sabi ng bata

"Kuya luke" pagtatama ni Zachary

Ngumuso muli ang bata tsaka tumingin sakin at pinagmasdan ulit ang muka ko.

"Kapatid mo sya?" tanong ko kay Zachary

"No he is not my kuya, crush ko sya right luke?" Ang buong atensyon ko ay nasa bata dahil sa sinabi nya.

At mabilis kong naramdaman ang paglukso ng puso ko ng muli syang ngumiti sa bata at hinalikan pa nya ito sa pisngi na naka pagpapula sa pisngi nito. Child abuse!

Mabilis kong iniwas ang mata ko ng makita kong lumingon sya sakin. He's looking at me!

"Your looking at her luke!" pakinig kong sabi ng bata muli kong narinig ang tawa nya na masarap sa tenga.

Tumahimik kaming tatlo madalas kong nakikita na ang batang babae na nakitingin sakin at minsan ay hinahawakan ang kanyang muka na parang kinukumpara sakin.

Nakita kong tumayo sya sa pagkakakandong ni Zachary at tumabi sa kanya tsaka bumulong pero sapat na para marinig ko.

"I am prettier than her diba luke?"

Hinintay ko na may maisagot sya sa batang babae pero ngumiti lang ito sa kanya tsaka hinalikan ang noo nito na nakapag pangiti sa bata na parang kinikilig.

Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa ginawa nya, dati gusto ang mga bata sa cute sila pero iba nararamdaman ko sa batang ito ngayon.

Agad ako ng iwas ng tingin ng lumingon si Zachary sa gawi ko, alam kong ako tinitingnan nya gusto nya malaman ang reaksyon ko?
Fine! Naiirita ako!

"Luke!" sigaw ng bata sa kanya siguro nakita na naman nya ito na nakatingin sakin.

"What?" Natatawang sabi nya sa bata.

"I hate you ayoko na sayo" muli akong napairap what with this kid? Nagsisimula na akong mairita sa kanya.

"Don't be mad bea, you're prettier than any one else" parang ng pantig ang tenga ko sa sinabi nya. Seriously?

Tuwang tuwa ang bata na pinaghahalikan ang pisngi ni Zachary at tumingin sakin na parang sinasabi na sya ang nanalo. I'm not competing with you kid. I have a boyfriend excuse me.

Huminga ako ng malalim at hinayaan sila mag kulitan. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? She's just a kid! And i have a boyfriend.

Naputol ang pagiisip ko ng tumunog ang cellphone ko agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti ako ng makita ko si Jake ang tumawag tsaka umirap kag Zachary bago sagutin ito.

"Hi love!" masigla kong bati sakanya.

Tumingin ako sa dereksyon ni zachary nakita kong makatingin sya sakin habang naka kunot ang noo.

"Love kumain kana?"

"Yes love kanina pa pag-alis ni mama"

"Ah, hindi pala ako makakapunta dyan kasi kailangan naming mag practice ng basketball "

" Okay lang, i miss you" malambing kong sabi sa kanya

" I miss you too, babawi ako promise. I love you"

"Love you bye"

Binababa ko na ang phone ko tsaka tumingin sa dalawa parehas silang nakatingin sakin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Lumapit sakin ang bata tsaka umupo sa harap ko.

"May boyfriend kana?" tanong nya.

"Oo bakit?"

"Eh baki--" sa pangalawang pagkakataon ay hindi nga natuloy ang sasabihin nya dahil kay Zachary.

Binuhat nya ito at nilabas sa kwarto ko pagkatapos sinara ang pinto.

"Bakit mo sya nilabas"

"Masyado na syang madaldal" walang emosyon nyang sabi.

Agad naman umarko ang kilay ko
"Sus tuwang tuwa ka nga sa kanya"

Lumingon sya sakin at ngumisi.
"Seriously pati bata?" mapangasar nyang sabi.

Kumunot ang noo ko "What do you mean?"
pag mamaang maangan ko.

Pinatunog nya ang dila nya sabay iling iling ng ulo nya.

Agad uminit ang ulo ko kaya hindi ko napigilang ibato sa kanya ang unan na hawak ko.

"Epal!" Sigaw ko sa kanya

Tawa lang sya ng tawa habang hinahampas ko sya ng unan.

"Panget pala ah, panget ako!" sabi ko sakanya habang patuloy parin ang paghampas sa kanya ng unan.

"Sinabi ko ba yun, sabi ko mas maganda sya sayo" hindi parin nawala ang pagtawa nya habang sinasalag ang pag hampas ko sa kanya.

"Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya.

Napatigil ang paghampas ko ng unan sa kanya ng hawakan nya ang magkabila kong braso. Tumingin sya sa mga mata ko ng seryoso at sinabi ang mga salitang nakapagpabilis ng sobra sa tibok ng puso ko.



"You are the most beautiful girl for me if you don't have a boyfriend"

--

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon