Chapter - 4

452 19 3
                                    


Pag-alis ni Zachary ay inayos ko ang sarili ko tiningnan ko ang muka ko sa salamin at pinunasan ang luha ko, medyo maga din ang mata ko pero hindi naman masyado halata.

Ang hawak kong bulaklak ay inipit ko sa libro ko katulad ng ginawa sa una nyang bigay. Ayokong abutan ako ni Jake na ganito baka mag taka na naman sya.

"Hi Katherine!" masayang bati sakin ni Amara.

"Hello!"

Nilapag nya ang pagkain na dala nya sa lamesa tsaka umupo sa kama ko.

"Kamusta ka?"

"Ayos naman wala lang makausap hehe"

"Kaya nga pinapunta ako agad ni Jake dito para may makausap ka" paliwanag nya.

"Nasan pala sya?" nag tatakang tanong ko

"May gagawin pa silang project hindi kasi nila nagawa yun nung absent si Jake"

Ang laking problema pala ang dinala ko kay jake pati pag-aaral nya na aapektuhan.

"Ano kaba wag kang malungkot, ginawa naman ni jake yun kasi mahal ka nya. Patay na patay kaya sayo yung bestfriend ko"
sabi nya sabay gulo ng buhok ko.

Lagi nyang ginagawa sakin yan noon pa, komportable na ako sa kanya noon pa man .

"Na giguilty lang kasi ako"

"Kath, mas gugustuhin ni Jake na alagaan ka kesa mag aral ganun ka kamahal ng bestfriend ko"

Umiling ako "Hindi nya dapat pabayaan ang pag-aaral nya ng dahil sakin"

"Hay naku wag na nga natin yan pag usapan, kailan pala ang labas mo? "

"1 to 2 weeks pa daw sabi ni doc. "

"Nakilala mo na ba yung donor mo? Yung family nya? "

Agad ako nakaramdam ng pagkirot sa dibdib ko dahil naalala ko ang sinabi ni Zachary kanina sakin.

"Okay kalang? Teka tatawag ako ng doctor"
natataranta nyang sabi

Pinigilan ko sya dahil kaya ko pa naman unti unti sin kasi ito nawawala, siguro masyado lang ako nadala sa sinabi sakin ni Zachary.

"Hindi okay lang ako, kaya ko naman"

"Sure ka ah" nag aalala nyang sabi.

Tumango ako sa kanya at inabot ang tubig sa lamesa.

"Grabe, anong feeling ng may bago kang puso? I mean may kakaiba ka bang nararamdaman ? "

Napaisip ako sa sinabi nya marami akong napansin na may nag bago sakin katulad ng pagka gusto ko ng bulaklak, pagiging emotional ko at sa bilis ng tibok ng puso ko kapag nandyan si Zachary.

"W-wala naman parang ganun parin" i lied

Ayaw ko muna sabihin tong nararamdaman ko sa iba dahil marami pang tanong sa isip ko na kailangan ako mismo maka diskubre ng sagot.

"Kasi diba ibang puso yan malay mo baka yung nararamdaman ng may ari ng puso na yan ay maramdaman mo rin gets mo?"

"Malabo siguro mangyari yun kasi ako parin naman to"

Kalmado kong sabi sa kanya pero sa loob loob ko naguguluhan na ako pero isa lang ang nasa isip ko na dapat paganahin ko ang isip ko dahil kapag ang puso ang pinairal ko maraming magbabago.

Hindi rin ng tagal si Amara dito dahil may kailangan pa daw syang gawin sa bahay nila kaya ito na naman ako walang makausap.

Inabot ko ang cellphone ko sa lamesa at ng check ng Facebook ngayon ko nalang ulit to na buksan, maraming ng chat sakin ng get well soon karamihan mga classmates ko yung iba hindi ko kilala.

Tiningnan ko ang timeline ko ang daming post ni Jake na naka tag ako, puro ako nakahiga sa kama na mahimbing na natutulog at mga nakakakilig na caption.

Napangiti ako sa mga nabasa ko, wala na talaga ako hahanapin pa kay Jake lahat ng gusto ko sa lalaki nasa kanya na at mas napatunayan nya yun mula ng magkasakit ako.

Zachary Luke Villafranca send you a friend request.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng lumitaw ang pangalan ni Zachary sa screen kahit hindi ko naman alam ang full name ni zachary ay alam kong sya yun dahil sa profile picture nya na naka hoodie jacket na black at naka shades din sya, bakit kaya lagi sya naka ganung outfit?

Tiningnan ko ang timeline nya halos wala sya post parang kakagawa lang ng Facebook nya as in profile lang ang nandun.

Pinindot ko ang accept kasi wala na naman ako magagawa nakausap ko na rin sya tsaka baka makakuha pa ako ng information tungkol sa donor ko.

Binitawan ko na ang phone ko tsaka nahiga na sa kama, matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Jake:
Love hindi ako makakapunta dyan ngayon marami pa akong kakawing project eh, bawi ako bukas promise.

Kath:
Its okay love for the future! Hahahahaha see you tomorrow.

Jake:
For our future i love you!

Kath:
Sus! Love you

Muli kong nilapag ang phone ko sa lamesa pero hindi pa ako nakakahiga ay muli itong tumunog.

Zachary:
I'm sorry about earlier.

Dahil sa nabasa ko agad ako napahawak sa puso ko, pinakiramdaman ko ang tibok nito na sobrang bilis, mali ito hindi ko dapat ito nararamdaman. Sino ba ang donor ko? Bakit ganito nararamdaman ang puso nya?

--

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now