Chapter - 13

339 19 4
                                    

Jake:
Okay pa tayo love?

Huminga ako ng malalim bago ko sya replyan.

Kath:
Yes okay tayo.

Binaba ko na ang phone ko sa kama, ayoko muna sya awayin, ayoko muna manghinala lalo na't hindi pa ako sigurado. Pagkakatiwalaan ko parin ang mga pangako nya na ako lang.

Nag bihis ako ng muna ako bago lumabas ng kwarto para kumain. Hindi pa rin umuuwi si mama tuwing gabi kasi ang uwi nya.

Nag handa na ako ng makakain para sa sarili ko, sinanay na ako ng parents ko mag luto lalo na palagi silang wala.

Sa sala na ako kumain habang nanonood ng Tv, nakakalungkot mag isa wala sa tabi mo ang parents mo wala rin akong kapatid. Kinuha ko ang phone ko tsaka tinext sila mama at papa.

Kath:
I love you mama and papa, ingat kayo.

Kinabukasan maaga ako pumasok hindi ko na hinintay na sunduin ako ni Jake kahit ngayon araw lang.

Hindi pa ako nakakapasok ng school ay may tumawag na sakin.

"Kath!" nang lumingon ako ay nakita ko si Amara

"Good morning Amara"

Sinabayan nya ako sa paglalakad
"Nasan si Jake?" tanong ko

"Yun na nga itatanong ko sayo, sabi nya kasi dadaanan ka daw nya gusto nya kayong dalawa lang kaya nauna na ako"

Bigla ako na guilty dahil hindi ko sya hinintay.

"Yung kahapon parin ba ang iniisip mo?"
tanong nya sakin

"Hindi ko na alam amara, sabi ko sa sarili pagkakatiwalaan ko sya pero kapag naaalala ko yung nakita ko bigla nalang ng babago"

Gusto ko syang pagkatiwalaan, gusto ko syang makausap pero natatakot ako na baka tama ako ayoko ng masakatan.

"Kausapin mo sya, that's the only solution"

Lutang ang isip ko kaya hindi ko namalayan na nasa classroom na pala ako. Wala pa si pia sa tabi ko kasi mukang maaga talaga ako, siguro tama si amara kailangan kong kausapin si Jake para malinawan ako.

Kath:
Jake mag-usap tayo mamayang lunch.

Hindi ko na hinintay na mag reply sya tinago ko na ang phone ko sa bag. Unti unti na ng datingan ang mga classmates ko.

"Aga mo yata" tanong sakin ni pia ng dumating sya.

"Napaaga lang ng gising" sagot ko sa kanya

Tumingin sya sakin na parang ng tataka
"Okay ka lang mukang matamlay ka ah"

Tipid akong ngumiti sa kanya "I'm okay"

Kagabi pa hindi maganda ang pakiramdam ko parang nawawalan ako ng gana.

Habang ng tuturo ang teacher namin sa harap hindi ko mapigilang tumungo sa lamesa ko.

"Huy, okay ka lang ba?" muling tanong sakin ni Pia

Naramdaman ko na hinawakan nya ang noo ko "Ang init mo kath!?" dahil oa mag react si pia rinig na ng buong classroom ang sinabi nya kaya agaw atensyon kami ngayon.

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now