Chapter - 18

323 20 5
                                    

Pilit kong tinatatak sa isip at puso ko na hindi ako mag papadala sa matatamis na salita ni Zachary. Bulaklak lang yan pero hindi sa bulaklak ako naapektuhan kundi sa card at sa naka sulat dun.

I like you..

"Arghhh"

Paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang nabasa ko. Hindi ko naman ikakaila na naapektuhan ako sa binigay nyang bulaklak dahil naging hilig ko na din ang sun flower.

No kath, nangako ka sa sarili mo na uunahin mo muna ang sarili mo. Hindi ka magpapaapekto sa sasabihin ng kahit sino. Walang ibang magmamahal sa sarili mo kundi ikaw.

Kinabukasan sobra ang kaba ko dahil alam kong makikita ko sya, kapag minamalas ka nga naman sa dinami daming tao na mahuhulog ka sa classmate mo pa.

Pagdating ko sa classroom nakita ko ang mga classmate ko na nakatingin sakin. What the hell? Nadatnan ko lang naman sa upuan ko ang tatlong malaking sunflowers at alam ko na kung kanino galing yun lumingon ako sa dereksyon nya nakatingin lang sya sa librong binabasa nya.

"Ang sweet kanino galing yan? Sino sa dalawa?" tanong ni Pia

Sobrang labo na bigyan ako ni Jake ng bulaklak lalo na ngayon dahil galit sya sakin.

Nagkibit balikat ako at nilapag ang bulaklak sa gilid ko.

Pagtapos ng klase ay dumaretso ako sa library para aming takdang aralin. Umupo ako sa pinaka sulok doon ko inalapag ang bag ko at hinanap na ang librong kailangan ko. Nang mahanap ko na ito ay bumalik ako sa upuan ko ng mapansin kong may nakaupo sa tabi nito.

"Bakit ka nandito?" tanong ko

Tinuro nya ang librong hawak nya parang sinasabi na library to syempre ng babasa.

Inirapan ko sya "Ang dami pang upuan doon ka sa iba" pagtataboy ko sa kanya

"Ayoko sa iba gusto ko sayo, i mean sa tabi mo" ngumisi sya sakin at tinuro ang labi ko.
"Ngumiti ka, nakita ko yun" sabi nya

Agad ko naman tinikom ang bibig ko at sinamaan sya ng tingin.

"Asa" sigaw ko sa kanya.

"Ms. Martin silence please" saway ng librarian namin.

Agad naman ako yumuko at ng sorry tsaka sinamaan ng tingin ang katabi ko na nag pipigil ng tawa.

Tinuloy ko na ang pagbabasa ng libro ganun din ang katabi ko.

Abala ako sa pagbabasa ng may ng dikit sa libro ko ng sticky note na may nakalagay na.

"Smile for me."

Agad kumunot ang noo ko at tumingin sa katabi ko na ngayon ay nakatingin din sakin.
Hindi ko sya ulit inintindi at tumingin ulit sa hawak kong libro ng may ng dikit ng sticky note.

"Please, para magkaroon ako ng lakas mag-aral"

Muli kong nilukot ang papel at binato ito sa katabi ko. Ayoko mag salita at baka sumigaw na naman ako.

"Ouch" mahina nyang sabi sabay hawak sa muka nyang tinamaan ng papel.
"Mapanakit ka talaga"

"Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya.

Napaka kulit nya ngayong araw kala ko papatahimikin nya ako ngayon dahil nung break time ay hindi sya ng paramdam pero inipon lang pala nya ang lakas nya para ngayon.

Tinapos ko na ang ginagawa ko at binalik na ang libro sa lalagyanan tsaka lumabas na sa library.

"Hatid na kita" sabi ng nasa likod ko.

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now