Chapter - 36

321 15 0
                                    

"One more flower"

"Thank you"

Everyday i always received a flowers from him. Kahit na wala sya sa tabi ko pero hindi nawawala ang presensya nya.

Seryoso ako sa sinabi kong hihintayin ko sya, hihintayin ko sya hangang sa mag hilom ang lahat ng sakit ng nakaraan nya. Mag hihintay ako sa muling pagbabalik nya.

"Let's go" ani ni Pia

Papunta kami ngayon sa Basketball court may laro kasi sila Darwin at Jake ngayon. Hindi sana ako pupunta pero pinilit ako ni Pia na pumunta para may kasama sya.

"Where's Amara?" i asked

Tumaas ang balikat nya na sinasabing hindi nya alam. Pagdating namin court ay rinig na agad ang ingay at talbog ng bola.

Umupo kami sa bakanteng upuan at ng simula ng manood. Magagaling mga players ng Team Althea University kay hindi makakaila na palagi sila panalo syempre dahil si Jake ang Team Captain.

Hawak ni Darwin ang bola may bumabantay sa kanya ng maagaw ito sa kanya ay bumulong ang katabi ko.

"Utot talaga" bulong nya

I really wondering kung ano ang meron sa kanila or meron na ba. Tinuon ko muli ang atensyon ko sa mga ng lalaro.

Hangang sa nanalo ang team namin kaya mabilis kaming bumaba ni Pia para batiin ang dalawa.

"Congrats" masayang bati ko sa kanila

Ngumiti silang dalawa sakin at nag punas na ng pawis, nakita ko ang malungkot na muka ni Jake siguro dahil wala si Amara.

"Kailan ba dadating pinsan mo? Namimiss ko na sya charr" biro ko kay Darwin

Ngumiti naman sya ng nakakaloko

"Charr daw, pagkatapos mong paalisin"

Sinuntok ko ang braso nya, hindi ko naman nya pinaalis!

"Naghihitay naman ako! Tsaka para sa kanya din yun"

Tinapiktapik nya ang balikat ko "Okay kung saan ka masaya wag ka lang iiyak pag naka hanap na yun ng iba"

"Darwin!" saway sa kanya ni Pia

Sinimangutan ko sya "I hate you"

Pumunta kaming apat sa palagi namin kinakainan kung saan ng hihintay si Amara. magkatabi si Amara at Jake sa kabila si Darwin at Pia, i rolled my eyes.

"Hindi nyo naman sinabi na third wheel ako dito?" biro ko

Tumingin silang apat sakin

"We're not couple kath para maging third wheel ka" sagot ni pia at bumaling sa pingan nya.

Napalunok naman si Darwin dahil sa sinabi nya.

"Kung hindi mo kasi pinaalis ang pinsan ko hindi ka magkakaganyan" sagot ni darwin

Tinaasan ko sya ng kilay "Bakit para sa kanya din naman yun ah!" inis na sabi ko

That's for him! Gusto ko maka move on sya sa mapapait na naranasan nya, alam kong mahirap para sakanya yun at mas lalong mahirap para sakin na wala sya sa tabi ko pero tinitiis ko para maging okay ang lahat.

"Eh ikaw okay ka ba?" tanong ni amara

Hindi ako nakapagsalita agad parang may tumusok sa puso ko. Alam nilang lahat ang nangyari samin ni Zachary. Naiintindihan nila ang desisyon ko well except kay Darwin at alam din nila na hindi madali sakin ito.

"I'm okay as long as he's okay" pilit ako ngumiti sa kanila.

"Tama na kumain na tayo" awat ni jake

Sinimulan ko na ulit ang pagkain ko na may lungkot sa muka.

I missed him so much. Araw araw, oras oras at minuminuto. Gustong gusto ko na sya makita, gusto na muli syang mahawakan, gusto ko na muli syang mayakap at gusto ko masabi ang nararamdaman ko.

Minsan nagsisisi ang sa naging desisyon ko pero hindi rin ng tagal ay nakumbinsi ko ang sarili ko na para sa amin din ito.

May lumandas na luha sa pisngi ko at agad ko din ito pinunasan. Napatingin ako sa ng abot ng tissue sa harap ko kita ko ang lungkot sa muka ni amara.

"Uuwi na din yun" mahinang sabi nya

Tumango ako at pilit na ngumiti.

Nag pahinga ako agad sa kwarto ko pagka uwi ko ng bahay, hinanap ko ang phone ko at tiningnan kung may text ba si Zachary pero na balot ako ng lungkot ng makitang kahit isang text at wala.

Dapat akong maging okay dahil desisyon ko ito, ginusto ko ito pero mahirap rin pala malayo sa kanya ng matagal na panahon.

Limang buwan na sya wala sa tabi ko, limang buwan na syang walang paramdam, limang buwan ko na sya na mimiss.

Sabi ni Darwin nasa bahay sya ng parents nya yun lang ang impormasyon na binigay nya paraan daw yun para mag dusa ako dahil sa pagtataboy ko sa kanya.

Kahit araw araw ako nakakatangap ng bulaklak na galing sa kanya ay hindi yun naging sapat para maibsan ang pagkakaulila ko sa kanya. I missed him.

Napabangon ako ng may kumatok sa pinto binuksan ko yun bumungad sakin si mama.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya

"May ng hihintay sayo sa baba" tiningnan nya ako mula ulo hangang paa "Hindi ka pa pala ng bibihis, mag bihis ka muna bago ka bumaba"

Mabilis akong tumungo sa drawer ko at ng hanap ng maisusuot pagkatapos ay ng madali akong bumaba.

Sa pagaakala ko na si Zachary ang nasa baba ay muntik pa ako madapa pero si Jake, Amara, Darwin at Pia ang naabutan ko.

Tumawa silang tatlo dahil sa muntik na akong madapa. Sinamaan ko sila ng tingin bago lumapit sa kanila.

"Anong meron?" matabang kong tanong

"Tumawag si Zachary" sagot ni Darwin

Agad rumehistro ang bilis ng tibok ng puso ng marinig ko ang pangalan nya.

--

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now