Chapter - 35

338 16 0
                                    

Nasa harap ako ng salamin habang nakatingin sa pilat sa bandang dibdib ko. Hinawakan ko yun. Scars in you're body tell the history but scars in may heart hide a story.

Pinayagan ako ng doctor ko na lumabas saglit pero madami syang bilin pati na rin sila mama at papa. Pumayag din naman sila agad dahil si Zachary ang kasama ko panatag sila kapag sya ang kasama ko.

Magkahawak kamay kaming ng lalakad sa loob ng simenteryo lahat ng maapakan namin ay mga berdeng damo. Huminto kami sa isang lapida kung saan nakasulat ang pangalan nya.

Elizabeth Hope B. Salazar

Nilapag ni Zachary ang isang bouquet ng sunflower sa tapat nun. Umupo kami sa may damuhan at tinitigan ko ang lapida nya.

Sa kanya nga galing ang puso na to dahil kung kailan ako inoperahan ay ganun din ang araw kung kailan sya namatay.

Muling namayani ang sakit sa aking dibdib.

"She has a PTSD Post-Traumatic Stress Disorder" napasinghap ako sa gulat

"Nag simulan yun nung bata pa lang sya, namatay ang mommy nya dahil sa sakit sa puso. Sobrang hindi nya matangap na maaga nawala ang mommy nya sa kanya lalo syang nasaktan ng dumating ang araw ng pagkalubog ng kumpanya nila sa utang"

Seryoso si Zachary habang ng kukwento nakatingin lamang sya sa lapida ni Elizabeth.

"Hangang sa ng kasakit ang papa nya ng Lung Cancer, hindi nya alam kung kanino sya lalapit dahil wala na silang pera wala na silang kumpanya na aasahan kaya nawala ang papa nya ng wala syang nagawa"

My eyes watered as my chest tightened.

"Hindi nya alam kung saan sya pupunta pagkatapos nun kaya pinatuloy namin sya sa rest house namin sya ang ng tanim ng mga sunflowers dun dahil yun ang hilig nya"

Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat hindi ko akalain na doon sya tumira at kinaya pa ni Zachary na pumunta dun.

"Akala ko okay lang sya dahil palagi syang nakangiti kapag kasama nya ako, palagi syang ng kukwento ng mga nakakatawang bagay buong akala ko wala na syang iniindang sakit dahil sa mga ngiti nya pero mali ako"

Huminga sya ng malalim nakita ko sa mga mata nya ang ng babadyang luha na kailangan ng bumuhos hinagod ko ang likod nya.

"Isang gabi naabutan ko sya sa rest house na naka higa sa sofa buong akala ko matutulog lang sya pero nakita ko ang mga gamot na ng kalat sa sahig ng tangka syang mag pakamatay"

Kasabay ng pag luha ni zachary ang muling pag hikbi ko hindi ko akalain na ganun ang pinagdaanan nya.

"Then she diagnosed PTSD, pagising nya paulit ulit nyang sinasabi sakin na gusto na nyang mamatay. Sabi ng doctor meron na din syang Depression kung saan nakuha nya dahil sa pinagdaanan nya."

"Tuwing magkikita kami paulit ulit nyang sinasabi sakin na gusto nya ng mamatay sinasabi nya sakin ng seryoso yun kaya palagi ako nasa tabi nya"

"Hangang sa muli kaming ng kita at sinabi nya muli na gusto na nyang mamatay pero ng karoon na sya ng dahilan"

Malungkot syang tumingin sakin
"Ikaw heart, ikaw ang dahilan kung bakit panatag na ang puso na mamatay. Sinasabi nya sakin yun na may ngiti na sa labi. Ang sabi nya kung wawakasan man nya ang buhay nya at least may isang buhay pa syang papahabain"

Humagugul ako sa mga narinig ko, hindi ko alam na may mga tao palang ganun na handang isaalang alang ang buhay nila para sa isang buhay.

"May mga tao daw na gusto pang humaba ang buhay pero sya gusto na itong wakasan dahil wala ng purpose"

Kumuyom ang kamao nya at nakita ko ang galit sa mata nya, hinawakan ko amg kamay nya para pakalmahin ito.

"I was there for her but it's not enough, hindi ako sapat. Hindi ko sya nabuo, hindi ko sya nabalik sa dating hope. Wala akong nagawa! Ako lang ang kaibigan nya pero wala akong nagawa. Ako lang ang meron sya pero wala akong nagawa"

Niyakap ko sya ng mahigpit ramdam ko ang sakit sa mga salitang lumalabas sa bibig nya, sinisisi nya ang sarili nya pero wala naman syang kasalanan.

"K-kita ko sa mga mata ko Heart ng mag pakamatay sya pero wala akong nagawa hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko"

Iyak sya ng iyak sa balikat ko ramdam ko ang panginginig ng katawan nya kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Ang huling sinabi lang nya sakin ay wag sabihin kahit kanino na sya ang donor mo kahit ako hindi ko alam ang dahilan nya"

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabila nyang pisngi tsaka pinunasan ang mga luha dun.

"It's not your fault okay? Walang may kasalanan. Hindi mo kasalanan at hindi ko rin kasalanan. Alam kong masaya na sya ngayon kung nasan man sya, wala na syang nararamdaman na sakit sa langit"

Parehas kaming tumingin sa lapida ni Elizabeth.

"She's with god now at alam kong ginagabayan ka nya. She's an angel now"

Tumigil na ang pag-iyak nya at matamis syang ngumiti sakin.

"Thank you" bulong nya

Umiling ako "Thank you for telling me about this, ngayon napanatag na ako"

"Ngayon mas naiintindihan na kita, dati nasasaktan ako kapag kinukumpara mo ako kay Hope pero ngayon alam ko na ang dahilan. Alam ko na kung gano mo sya kamahal at alam ko sa sarili ko na hindi mawawala sayo yun"

"Heart"

Umiling ako "I understand Zachary, mahal mo sya at alam ko sa ngayon ay hindi ko mapapatayan yun"

Tumingin ako sa mga mata nya ng daretso.

"I can wait hangang sa mawala na ang sakit sa puso mo"

I kissed his forehead and genuinely smiled ay him.

"Maghihintay ako Luke..."

-

Is it happy ending? What do you think? Comment down below charr hahaha

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now