Chapter - 34

290 17 0
                                    


"Hello, pwede ba ako umupo sa tabi mo?"
tanong ng babae tumango ako agad.

Pagupo nya sa tabi ko ay nakatingin lang sya sa paglubog ng araw, pinagmasdan ko ang maamo nya muka. Napaka ganda nya walang maipipintas sa kanya para syang isang dyosa kung meron na ganun sa tingin ko isa sya sa mga yun.

Nagulat ako ng bigla syang tumingin sakin kaya nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

"I'm sorry, ang ganda mo kasi"

Tumawa lang sya pati ang pag tawa nya ay nakakahumaling. Sigurado akong maraming ng kakagusto sa kanya at napaka swerte ng lalaking makakatuluyan nya.

"Madalas ka ba dito? " Tanong nya ng hindi naka tingin sakin kundi sa araw na malapit ng lumubog kaya tinanaw ko din ito.

"Hindi ngayon lang ako pumunta dito gusto ko lang mamasyal bago kami pumuntang hospital" malungkot kong sabi sa kanya.

Agad naman sya napalingon sakin.

"Bakit anong gagawin mo sa hospital?"

"Sabi ng doktor kailangan ko na mag stay dun para ma prepare na ang katawan ko sa surgery. Heart transplant"

Yumuko ako "Pero hangang ngayon wala paring nahahanap na donor"

Hindi ko na pigilan ang pag patak ng luha ko pero mabilis ko din itong pinunasan.

"Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko magkaroon ng maraming kaibigan, gusto ko pang mag-aral. Gusto ko pa makasama ang magulang ko. Ayoko pang mamatay"

Humagulgol na ako naramdam ko ang paghagod nya sa likod ko kahit na hindi nya ng sasalita dama ko ang pagaalala nya. Nag humupa na ang pag luha ko ay doon sya ng salita.

"Lumaban ka hindi lang para sa magulang mo kahit sa mga kaibigan mo. Kundi lumaban ka para sa sarili mo. Ang hirap sabihin sakin nito dahil maging ako ay may pinagdadaanan"

Nakangiti sya ng sabihin nya yun saglit akong nagulat dahil hindi halata sa kanya na may pinagdadaan sya. Sa maamo nyang muka sa likod pala nito ay may lungkot syang dinadala.

Tumayo sya kaya tumayo na rin ako.

"Ano pangalan mo?" Nakangiti nyang tanong

"Katherine heart" sabi ko

Nagulat ako ng yakapin nya ako at bahagyang sinuklay ang buhok ko.

"I'm Elizabeth na nangangako sayo na maipagpapatuloy mo pa ang buhay mo. Sana sa pagkakataon na ito ay sana pahalagahan mo ito."

Nagising ako sa isang panaginip muling nanumbalik sakin ang mga alaala ni Elizabeth kung saan sya nangako na ipagpapatuloy ko pa ang buhay ko. Akala ko ipagdadasal nya ako dahil ang dating nya sakin ay isang angel pero hindi ko inakala na ibibigay nya sakin ang puso nya.

Muli ko naramdaman ang sakit sa parte ng dibdib ko. Dumilat ako at nakita ang isang pamilyar na lugar kung saan palagi ako nandito mula ng bata pa ako.

Tinangal ko ang oxygen na nasa bibig ko at huminga ng malalim pinalibot ko ang mata ko pero wala akong nakitang tao.

Ilang saglit lang ay may pumasok nakita ko ang pagkagulat sa muka ni Pia dahil gising na ako.

"Oh my god" napahawak sya sa bibig nya at mabilis na lumapit sakin.

"Akala ko iiwan mo din ako" sabi nya habang umiiyak

Niyakap nya ako habang hinahagod ko ang likod nya.

"Kamusta may masakit ba sayo?" tanong nya habang ng pupunas ng luha.

Umiling ako "Gusto ko ng tubig" mahinang sabi ko.

Mabilis syang kumuha ng tubig at binigay sakin yun.

"Wait tatawagin ko na sila"

Lumabas sya at pagbalik nya ay pumasok na sila Darwin, Jake, Amara at Zachary.

Hindi ako makatingin ng daretso kay Zachary dahil pakiramdam ko kapag tumingin ako sa kanya ay maluluha na naman ako.

"Okay na ba pakiramdam mo?" tanong sakin ni Amara

Tumango ako "Sino ng dala sakin dito?"

Lumingon silang lahat kay Zachary

"Nakita ka ni Zachary na nahihirapan huminga sa playground, mabuti na nga lang napadaan sya doon" sagot ni Pia

Hindi sya napadaan dun, madalas sya dun, madalas sila ni Elizabeth dun.

"Nasaan sila mama?" muling tanong ko

"Bumili ng pagkain kami muna ang pinabantay sayo" sagot naman ni Darwin

Tumango ako at muling tumahimik, ramdam nila na may problema sa pagitan namin ni Zachary dahil hindi kami ng kikibuan.

Ilang saglit lang lumabas silang apat at naiwan kami ni Zachary. Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ng aking kama.

"Tinakot mo ako" sabi nya at hinawakan ang kamay ko "Akala ko mawawala ka na rin sakin"

Ramdam ko ang lungkot sa boses nya maging sa kanyang mga mata. Nag init ang sulok ng aking mata tuluyan ng lumabas ang aking mga luha.

"Zachary please tell me, bakit binigay ni Elizabeth ang puso nya sakin?" humikbi ako

Nakita ko ang pagkagulat sa muka nya hindi nya siguro inasahan na kilala ko si Elizabeth.

"Heart"

"Please zachary sabihin mo na, kasi nasasaktan ako tuwing maaalala ko ang huling salitang sinabi sa ni Elizabeth. Nasasakatan ako kasi parang kasalanan ko kung bakit sya namatay. Kasalanan ko"

Niyakap nya ako habang ako ay walang humpay sa pag iyak. Walang na akong maramdaman kundi sakin.

"Hindi mo kasalanan kath, wala kang kasalanan" bulong nya sakin habang hinahagod ang likod ko.

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at tumingin sa mga mata nya.

"Sabihin mo na sakin Zachary para may dahilan ako na hindi sisihin ang sarili ko" pagsusumamo ko.

Nilagay nya ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Bukas" hinalikan nya ako sa noo
"Pupuntahan natin sya bukas"

--

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now