Chapter - 30

344 18 1
                                    

Group Chat
UTOT X IPOT
7:04

Amara:
Pia lumabas kana dyan wag kana mag paganda kay darwin!

Pia:
Wait lang tae

7:26

Amara:
Kath labas kana malapit na kami

Kinuha ko ang bag na dala ko hindi naman sya ganun kabigat. Inayos ko muna ang suot kong black t-shirt and jeans with white sneakers.

Paglabas ko ay nakita ko agad ang van nila jake mabuti nalang pumayag ang papa nya.

Sinarado ko ang pinto dahil wala na rin si mama pumasok na sya sa trabaho.

Unang bumaba si Zachary at kinuha nya ang dala kong bag.

"Good morning " bati ko sa kanya

"Good morning" nakangiti nyang bati.

Nilagay nya sa likod ang gamit ko pag pasok ko magkatabi si Amara at Jake sa tabi naman ni Jake si Darwin. Nakita kong mag-isa si Pia kaya tumabi ako sa kanya at sumunod din si zachary.

"Okay we're complete!" masayang sabi ni Darwin

Narinig ko ang pag bugtong hininga ni pia nakadungaw lang sya sa bintana kaya hinawakan ko ang balikat nya.

"Okay ka lang?" tanong ko

Mabilis ng iba ang expression nya bumalik sya sa dati na masaya hindi ko alam kung ano problema nya pero alam kong meron.

"Yehey!" masaya nyang sigaw

Binaliwala ko nalang ang nakita ko kanina nakisabay nalang ako sa pagiging masaya nya.

"Kumain kana?"

Bumaling ako sa katabi ko kita ko sa mata nya ang kakulangan sa tulog.

Tumango ako "Ikaw?" tanong ko

"Not yet"

"Manong pag may nadaanan po tayong drive thru hinto po tayo may bibilin lang po ako. Thank you" sabi ko kay manong driver

Ngumiti si Zachary sakin tsaka hiling ang ulo sa balikat ko. Marahan kong sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay pero hindi yun natuloy ng hilahin nya ang kamay ko at pinagsakop sa kamay nya.

"This is better" mahinang sabi nya habang nakapikit.

Mabilis naman uminit ang muka ko mag kahawak ang kamay namin habang naka hiling sya sa balikat ko. Narinig ko naman ang pag singhap ng katabi ko.

Tumingin sya sakin na parang naaasiwa lumingon naman ako sa likod namin nakita ko si Amara ay naka hiling sa balikat ni Jake samantala si Darwin ay abala sa phone nya.

Dahil nga medyo malapit lang ang rest house nila Zachary ay nakarating din kami ng mabilis.

"Ang ganda.. walang tao dito zach?" tanong ni pia

"Meron pumupunta para mag linis pero hindi sila ng sstay"

Kinuha ni Zachary ang bag ko at sya na ang ng dala. Pumasok na kami sa malaking puting bahay na napapalibutan ng mga bulalak.

Sa labas ay tanaw mo agad ang mga rosas sa paligid ng swimming pool at sa gilid nito ay may maliit na kuho na mukang masarap tambayan. Nagulat ako dahil akala ko puro rosas lang ang makikita ko pero ng tuluyan ka pumasok ay may mga sunflower din dito.

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon