Chapter - 17

329 22 8
                                    

Habang tumatakbo ang oras hindi ako mapakali sa inuupuan ko kung pwede ko lang sabihin sa teacher namin na wag sya magmadali para hindi pa mag uwian ginawa ko na.

"Hindi ka mapakali dyan" bulong ni Pia

Sabi ko kanina mag ffocus ako sa klase pero kinain ko din ang sinabi ko dahil ngayon hindi ako maka focus. I hate you Zachary!

Pagtapos ng klase mabilis kong inayos ang gamit ko tsaka nilagay ang bag ko sa likod at nagmamadaling lumabas hindi ko pinansin ng tawag sakin ni Pia.

Kailangan ko takasan si Zachary dahil alam ko sa sarili ko na kapag nakausap ko sya bibigay agad ang puso kahit pa nasakatan nya ako.

Pababa palang ako ngunit napahinto ako dahil may nag salita sa likod ko.

"Tatakasan mo na naman ba ako?"

Napapikit ako siguro nga kahit anong takas ko maaabutan parin nya ako.

Confident ako humarap sa kanya
"Bakit naman kita tatakasan?" taas kilay kong sagot sa kanya.

"Bakit ka ng mamadali?" tanong nya

"Bakit naman ako mag mamadali?" balik kong tanong sa kanya.

Ngumisi nya at unti unting lumapit sakin bahagya syang yumuko para mag pantay ang muka namin at may hinarang sya sa muka ko na bagay.

"Hindi daw pero nakalimutan mo ang libro mo"

Mabilis kong kinuha ang libro sa kamay at tinaasan sya ng kilay.

"Porket naiwan ang libro ng mamadali na?"

"May isa ka pang naiwan" seryosong sabi

"At ano naman"

Tiningnan ko ang mga dala ko alam ko sa sarili ko na wala na akong naiwan.

"Ako" seryosong sabi nya na hindi manlang inaalis ang tingin sakin.

I rolled my eyes "Bakit sakin ka ba?"

Natigilan sya sa sinabi ko maging ako hindi ko alam bakit sinabi ko yun. Sobrang awkward na nga pag magkalapit kaming dalawa tapos dinagdagan ko pa. Hindi ka talaga ng iisip kath!

"I m-mean--"

"You can have me if you want"

Bahagyang lumaki ang mata ko at ito na naman ang puso kong walang habas ang pag tibok. Sabi ko na nga ba konti salita lang nya bumibigay na ako.

"W-what?" pabibingi bingihan ko.

He look disappointed "Nevermind"

Ayan tayo eh, bibigkas ng mabubulaklak na salita pero hindi naman kayang pangatawanan.

Akmang tatalikod ako ng hawakan nya ako sa braso.

"Hindi pa tayo tapos magusap"

Humarap ako sa kanya "Ano pa ba gusto mo pagusapan?"

"I just want to tell you.." binitawan nya ang pagkakahawak sa braso ko at daretsong tumingin sakin.

"Hindi si Hope.. ikaw ang..."

"Ang ano?"

"Ang gusto ko"

Kung hindi siguro nya ako sinaktan maniniwala ako sa kanya, kung wala sanang hope mabilis ako maniniwala sa kanya. Kung hindi dahil sa puso na to maniniwala siguro ako sa kanya.

Umiling ako "Hindi zachary, hindi ako ang gusto mo. Wag mo ako paasahin"

Kumunot ang noo nya na parang hindi makapaniwala dahil hindi ko sya pinaniwalaan.

"Ikaw heart, ikaw ang gusto ko ano ba ang hindi malinaw dun?"

"Ikaw! Ikaw ang hindi malinaw kasi kahapon lang sinabi mo sakin na nalilito ka tapos ngayon sinasabi mo sakin na ako ang gusto mo? Bakit dahil inamin ko na gusto kita?"

Hinilamos ko ang palad ko sa muka ko.

"Hindi porket gusto kita dapat gustuhin mo din ako, hindi ako ng hahangad ng pagmamahal na alam kong hindi naman totoo"

Huminga ako ng malalim para pigilan ang luhang gusto ng lumabas. Diba self last na yun? Hindi kana iiyak sa lalaki?

Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko pero binawi ko din ito.

"Don't push yourself to like me"

Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at nag madaling lumakad palabas pero isang mata ang nakatingin sakin na nakapag pakaba ng sobra sa katawan ko.

"Kaya pala ganun nalang kadali sayo ako i let go"

Nakita ko ang galit sa mata ni Jake bago sya tumalikod sakin. Halos mapaupo ako dahil sa paglambot ng aking tuhod.

Sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak dahil sa lalaki pero ngayon ito nanaman sya yumayakap sa pisngi ko. Hindi ba lilipas ang araw na hindi ako iiyak? Hindi ba ito mauubos.

Pinunasan ko ang muka ko at inayos ang sarili ko.

"Kath" lumingon ako sa tumawag sakin na si pia.

"Pia" mabilis syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Kath ang puso mo baka mapano ka na naman" nagaalala nyang sabi.

"Gusto ko ng umuwi"

Inalis ni pia ang pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay nya.

"Oo uuwi na tayo"

Hindi ko alam kung wala akong kaibigan katulad ni pia sa tabi ko ngayon. Hindi ko man masabi sa parents ko ang pinagdadaanan ko dahil ayaw ko ng dumagdag sa iintindihin nila.

Pagdating namin sa bahay ay ng paalam din agad si Pia, hindi na rin sya ng pa kwento sakin dahil alam nyang ayaw ko itong pagusapan.

Muli kong inabala ang sarili ko sa iba't ibang bagay para hindi ko maisip ang dalawa pero hindi parin sila mawala sa isip ko.

Ano nalang ang iniisip saki ni Jake sakin ngayon? Nasa una palang ako pala ang ng loko? Pero hindi dahil hindi naman ako gusto ni zachary.

Natauhan ako ng may kumatok sa pinto.

"Katherine"

"Mama pasok po"

Pagpasok ni mama ay nakita kong may hawak syang isang bouquet ng sunflower.

"Kanino po galing yan?" tanong ko

Nag kibit balikat sya at inabot lang ito sakin.

"May manliligaw ka agad?" nakakalokong tumingin sakin si mama.

Ngumuso ako sa kanya "Imposible"

Pagkalabas na pagkalabas ni mama at hinanapa ko agad kung may card doon mukang tama ako meron.

Pagbukas ko nun ay agad rumehistro ang mabilis na tibok ng puso ko.

"I don't need to push myself to like you coz i do..
I like you heart.

- Luke "

--

Note: Starting tonight every night na po ako mag uupdate ♡

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon