Chapter - 38

319 16 0
                                    

Nagpasya kami ni Pia na bumisita sa bahay nila Amara nagkataon na walang pasok ngayon.

Pagdating namin sa bahay nila halos mapatalon kami ni Pia dahil naabutan namin sila ni Jake na halos magkadikit ang muka.

Narinig kong tumikhim si Pia para maagaw ang atensyon nilang dalawa. Mabilis silang umalis sa kanilang posisyon at lumayo sa isa't isa.

Kitang kita ang pamumula ng muka ni Amara na halos hindi makatingin samin si Jake naman ay nakapatong ang siko sa hita nya at pinagsakop ang dalawa nyang kamay habang naka tungo.

"I didn't expect that ha?" natatawang sabi ni Pia

Umupo na kami sa kabilang sofa, maging ako ay nabigla. Hindi na naman ako inosente sa mga ganung bagay pero hindi inasahan na makikita ko silang ganun.

"A-ah b-bakit kayo nandito?" utal utal na tanong ni Amara samin

Ngumisi si Pia at nilagay ang braso sa bandang dibdib nya.

"Balak ka sana naming surpresahin pero mukang kami ang na surpresa" mahina pa syang tumawa

Lalong nahiya ang dalawa kaya ng simula na akong pagsalita.

"Okay na ba ang sugat mo Amara?" tanong ko

Bumaling ang tingin nya sakin mula sa sahig doon ko na kita na may kalmot parin ang muka nya.

"Hindi na naman masakit"

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming apat.

What the? Ang awkward! Tumingin ako kay pia tumingin din sya sakin nakataas ang kilay nya habang nginungusuan ang dalawa na ngayon ay parehas naka tungo.

Pinanlakihan ko sya ng mata mas lalo nya pinapalala ng awkwardness sa dalawa.

Napalingon kami kay jake ng bigla sya umubo at tumingin sakin.

"Kath, can we talk?" tanong nya

Tumingin ako kay Amara ngumiti sya sakin at tumango nag taka naman ako dahil biglaan na gusto nya ako makausap.

Tumayo kaming dalawa at lumabas umupo kami sa gilid kung saan may upuan.

"Ano gusto mo pag usapan?" panimula ko

Umubo sya muli "I just want to say sorry"

Tumingin ako sa kanya pero daretso lang sya nakatingin sa labas.

"For what?"

"For everything. Gusto kong mag sorry dahil napabayaan kita, gusto ko mag sorry dahil sa namagitan samin ni Nathalia. Gusto ko mag sorry dahil hindi ako naging sapat"

Hinayaan ko lang sya mag salita.

"Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa pero palagi mong tatandaan na minahal kita kath"
tumingin sya sakin "Sobra" dugtong nya

Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"I know, alam kong minahal mo ako. I want to say thank you for being a great boyfriend to me before. Nandyan ka sa mga panahong nahihirapan ako dahil sa sakit ko, nandyan ka kapag kailangan ko ng makakasama dahil wala sila mama. Kasama kita ng mag pa heart transplant ako at pag gising ko nandyan ka parin"

My tear fell "I'm sorry kasi bumitaw ako aaminin ko na isa sa dahilan nun si Nathalia pero mas lamang ang dahilan na may gusto na akong iba" humikbi ako

"I'm sorry kasi ng mahal ako ng iba habang tayo pa" hinawakan ko ang kamay nya "pero jake pinigilan ko dahil alam kong mali, pilit kong pinapasok sa isip ko na ikaw ang mahal pero ang puso ko iba ang sinasabi"

"I'm so sorry" tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko sa pisngi ko.

Pinunasan ko ito gamit ang kamay pero hindi yun naging sapat. Inabutan nya ako ng panyo at tinangap ko ito agad.

"Naiintindihan ko kath ako ang ng kulang ng hanap ako ng iba pero hindi naman ako naging masaya, aaminin ko na gusto kong bumalik tayo sa dati noon kasi mahal na mahal kita pero sumuko na rin ako ng makita ko kung gano ka kasaya kay Zachary"

"At dahil dun hindi ko nakita na nasa tabi ko lang pala ang hinahanap ko sa isang babae"
He chuckled

"Nasa tabi ko lang pala sya mula pagkabata ng bulag bulagan ako at ng hanap pa ng iba"

Nakita ko ang ningning sa mata nya

"Nung umamin sya sakin na gusto nya ako una natakot ako dahil alam ko sa sarili ko na hangang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero kahit ganun hindi parin sya nawala sa tabi ko. Nakikita ko syang nasasaktan sa tuwing tinitingnan kita"

"Pero naka ramdam ako ng kakaiba ng lumayo at umiwas sya sakin doon ko napagtanto na mahal ko din sya"

"She's the girl that i want to be by my side. Hindi bilang isang bestfriend kundi bilang isang taong minamahal"

Punong puno ng galak ang puso ko ngayon dahil alam kong sincere sya sa sinasabi nya kita ko sa mata nya na mahal na mahal nya si Amara.

"I'm happy for you Jake" masaya kong sabi sa kanya

Bumaling ang tingin nya sakin

"Kaya ikaw wag mo basta basta pag tutulakan ang taong gusto mo baka masanay ka na paulit ulit syang babalik sayo pero hindi mo alam napagod na pala sya kakapalayo mo"

"I know zach, kahit na saglit lang kami magkakilala pero alam ko sa sarili ko kung gano ka nya kagusto"

Nagsimulang kumabog at nabuhay ang puso ko. Kinabahan ako sa sinabi nya, nakaramdam ako ng hapdi sa puso dulot nito.

"Para din nama--" he cut me off

"Para sa kanya? Para mabuo sya ulit? Kath pwede mo naman sya buuin ulit, ikaw mismo ang kailangan nya ngayon. May pinagdadaan sya dapat nasa tabi ka nya dahil sa lahat ng tao dapat ikaw ang unang makakaintindi sa kanya"

"Kahit sabihin mo pa na hihintayin mo sya ang tanong kung may hinihintay ka paba?"

My tears can't stopped falling. I feel the pain inside my chest. Kakaibang sakit ang dala nito, sakit na umaasang sana may hinihintay pa ako.

--

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now