Chapter - 6

387 19 0
                                    

Hindi parin nawala ang kaba ko mula ng maabutan kami ni mama na magkayakap ni Zachary pero agad naman ng pakilala si Zachary na kaibigan ng donor ko.

Masaya si mama dahil kahit papaano may nakilala syang malapit kay hope kaya sobrang pasasalamat nya kay Zachary.

"Zach, kumain ka na ba?" tanong ni mama sa kanya

"Yes po tita" magalang nyang sabi

Kanina pa tanong ng tanong si mama kung kumain na ba sya feeling ko palagay na ang loob ni mommy sa kanya.

"Wala ka bang pasok sa school?" muli nyang tanong

"Kakauwi ko lang po, 6am to 1pm lang po ang pasok ko kaya dumadaan po ako dito"

"Mabuti naman kasi pag tanghali wala ng kasama si Katherine dito mabuti nalang at may makakasama na sya"

"Mama" agad kong sinaway si mama

"Okay lang naman sayo diba Zach? "

Kinunutan ko ng noo si mommy, nakakahiya naman kasi kay Zachary na bantayan nya ako eh hindi naman nya ako kaano ano.

"It's okay tita wala na rin naman po ako gagawin pag galing ko sa school"

Tumingin ako kay Zachary naka ngiti sya kay mommy kung gano ka tipid ang ngiti ni Zachary ganun naman kalapad ang ngiti ng nanay ko.

Hindi sya ganya kay Jake malamig ang trato nya kay jake naisip ko siguro hindi pa sang-ayon si mama sa relasyon namin kasi mga bata pa kami ayaw nya na may umaaligid saking lalaki kaya nga nag tataka ako ngayon bakit ang bait bait nya kay Zachary.

Tumayo si Zachary sa inuupuan nya "Alis na po ako" sabi nya kay mama

"Oh sige mag-iingat ka ah, gabi na"

Tumingin muna sakin si Zachary bago umabas ng pinto.

"Bye"

Pagkalabas nya ay agad tumabi sakin si mama.

"Ang bait nyang bata"

"Mama hindi pa nga natin sya lubos kakilala palagay na agad loob mo sa kanya"

Marahan nyang sinuklay ang buhok ko.

"Basta magaan ang loob ko sa kanya lalo na kaibigan sya ng donor mo"

Hindi na ako muling ng salita pa hinayaan ko nalang si mama mag kwento tungkol sa mga napansin nya kay Zachary na kahit isang beses ay hindi nya nagawa kay Jake.

Hindi katulad ni mama ang turing ni papa kay Jake close silang dalawa parang anak na ang turing nya dito dahil wala daw syang anak na lalaki.

Gusto ko man kausapin si mama tungkol kay jake hindi nalang kasi alam kong ayaw nya ito pagusapan.

Kinabukasan sabi ni Jake ay pupunta sya dito kasi wala na syang gagawing project sabi ko isama nya si Amara dahil miss ko na yung babaeng yun.

Jake:
Ako hindi mo miss? 😔

Kath:
Hindi eh

Jake:
Lagot ka sakin mamaya love!

Natawa lang ako sa text nya mas madalas talaga sya maasar kesa sakin.

Ilang oras lang ay nandito na din silang dalawa.

"Hi! Babe!" Bungad sakin ni Amara sabay yakap at halik sa pisngi ko.

Agad naman hinawi ni jake ang muka nya sakin "Hoy nauna kapa!"

"Hi Love" hinalikan nya ako sa noo kasabay ng kanyang matamis na ngiti.

"Alam mo epal kang bakulaw ka! Ngayon ko nalang ulit nakita si Babe ko eh tapos hadlang kapa" inis na sabi ni amara kay jake.

"Hoy! Kilabutan ka nga sa babe na yan. Ako ang boyfriend hindi ikaw!"

Nakita kong bahagyang nalungkot si Amara sa sinabi ni jake.

"Halika dito babe" sabi ko sa kanya

Lumapit sya sakin na parang bata tsaka niyakap ko at hinagod ang buhok nya.

"Pag papalit mo nalang ako sa bakulaw pa"
bulong ni jake.

Sinamaan ko sya ng tingin, lagi nya kasi inaasar si Amara sabi nya sanay na daw sa kanya ito.

"Babe niaaway ako oh" sabi ni amara habang naka nguso sabay turo kay jake

Tumawa lang ako sa kanilang dalawa sobrang close tagala nila.

"Tangalin mo nga yang cap mo" sabi ko kay amara

"Ayoko babe pagtinangal ko to baka mainsecure boyfriend mo kasi mas gwapo ako sa kanya" pag mamalaki nya.

Agad naman sumama ang muka ni Jake sa sinabi ni amara.

Kahit na panlalaki manamit si Amara alam kong babae parin sya dahil ni minsan wala naman sya naging girlfriend tsaka mahilig sya sa pogi, kapag nakakakita kami ng pogi grabe ang taranta nya minsan nalilito nalang din ako.

Kumain na kaming tatlo hindi parin nawala ang asaran nilang dalawa kahit na kumakain ako naman ang taga saway nila.

Pagkatapos naming kumain ay tumabi sakin si Jake at humiga ginawa nyang unan ang hita ko, marahan kong sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay nya. Tumingin ako kay amara nakita ko syang nakatingin samin pero mabilis din sya lumingon sa iba.

Kinuha nya ang libro na nakapatong sa lamesa.

"Kanino galing tong sunflower?"

Nakita kong hawak ni Amara ang tuyong bulaklak na naka ipit sa librong hawak nya.

"A-ah kay mama" nangangatal kong sagot.

Nakita kong kumunot ang noo ni jake kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagsuklay ng buhok nya.

Sa hindi malamang dahilan ayaw ko sabihin kay jake ang tungkol kay Zachary, hindi ko alam kung bakit pero alam ko naman na dadating ang panahong malalaman nya ito.

Binalik na ni amara ang libro pati na rin ang bulaklak hindi na rin sya umimik siguro naka ramdam sya na wag nalang pagusapan.

"Ahm, kath tingnan mo to bagong student sya ng school ang gwapo nya diba? "

Binasag ni amara ang katahimikan naming tatlo at ng papasalamat ako sa ginawa nya, tiningnan ko ang picture sa phone nya, muntik na ako mabilaukan sa sarili kong laway dahil si Zachary ang nakita ko sa phone nya.

"Kilala mo ba sya?" Nag tatakang tanong ni Amara dahil sa reaksyon ko.

"N-no i didn't know him" i lied

Kung ganon lumipat pala sya sa school namin? Pero bakit?

--

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now