Chapter - 24

306 16 5
                                    

Amara:
Hi girl what u doin?

Kath:
Reading why?

Amara:
Labas ka.

Kath:
Now?

Amara:
Hindi bukas pa.

Dahil alam kong sarcastic yun ay lumabas ako ng bahay nakita kong nakaabang si Amara at Pia sa labas ng gate.

"Anong meron?" bungad ko sa kanila

"Hindi mo ba kami papapasukin? Ang init kaya" reklamo ni pia kaya binuksan ko agad ang gate.

Tuloy tuloy silang pumasok sa loob ng bahay na parang nakatira dito. Nang makaupo kami sa sofa ay muli akong ng tanong

"So ano nga meron?" tanong ko sa dalawa.

They feel comfortable sitting on our sofa.

"Naka Strike three ka daw babe?" sabi ni amara na may halong pangangasar.

Mabilis ko naman pinandilatan ng mata si Pia na ngayon ay tawa ng tawa.

"Oh my ghad, naalala ko na naman pati ako nadala sa acting ni kath pero hindi effective bato na si boy"

I rolled my eyes on her, hindi talaga sya titigil kakaasar no?

"Shut up, gusto ko ng kalimutan ang kahihiyan na yun" nahihiyang sabi ko.

Bigla silang tumayo at lumapit sakin na gulat ako ng bigla nila ako niyakap.

"Okay lang yan tangap ka namin"
sabi ni pia sabay gulo ng buhok ko.

"Enroll kaya kita sa acting workshop para mas effective" sabi naman ni amara

Umalis ako sa pagkakayakap nila tsaka tumayo.

"Gusto nyong palayasin ko kayo!?"

Bigla silang ng tinginan at parehas tumawa.

"Yan dapat ganyan ang acting makatotohanan" natatawang sabi ni amara.

"Very good! Okay cut! Good take! "

Sinamaan ko sila ng tingin mga walanghiya talaga. Kaibigan ko ba talaga sila?

Wala kaming ginawang tatlo kundi manood ng series sa Netflix. Si Amara naka higa habang nasa tiyan nya ang phone nya parang may hinihintay na text. Si Pia naman ng eenjoy sa pinapanood nya habang kumakain ng popcorn na niluto namin kanina na muntik pa masunog.

"Boring" komento ni Amara

Gusto kong sumangayon dahil hindi ako nagagandahan sa pinapanood ko.

"Ang ganda kaya hindi ka marunong maka appreciate!" eksaheradang bulyaw ni pia

Huminga ng malalim si Amara mas piniling manahimik at wag na makipagtalo kay Pia. Nang matapos ang pinapanood namin.

"Tara sa court may laro daw sila ngayon"
yaya samin ni Amara

Parehas silang tumingin sakin at tinitingnan ang reaksyon ko.

Her Fragile Heart Donde viven las historias. Descúbrelo ahora