Chapter - 5

388 19 0
                                    

"Love pupunta pala ako ngayon kila Darwin may gagawin pa kaming project. Okay lang ba? Pag hindi okay lang sakin babantayan kita"

Kasama ko ngayon si Jake wala syang pasok kaya sya ang bantay sakin.

"Go lang, project yan ano kaba okay lang ako"

Tumingin sya sakin na parang ng tataka.

"What?" I asked

"Tinataboy mo ba ako?" nagtataka nyang tanong "Hindi ka ganyan dati"

Sa sinabi nyang yun ay agad kong inalala ang ginagawa ko tuwing aalis sya, nagpapaalam palang sya na pupunta sya kila darwin hindi na agad ako pumapayag dahil may kapatid si Darwin na may gusto sa kanya as in obsessed sa kanya mas bata sya samin pero grabe na sya magkagusto.

"Syempre project naman aatupagin mo diba? May tiwala ako sayo" malambing kong sabi

"Kahit nandun si Nathalia? "

"Oo naman alam ko naman na ako ang mahal mo" proud kong sabi

Hindi parin nawala ang pagtataka sa muka nya "Oo naman ikaw lang ang mahal ko"

Pagdating ng tanghali ay umalis din si Jake wala na naman akong kasama ngayon. Minsan gusto ni mommy na mag resign sa trabaho nya pero pinigilan ko sya kailangan namin ng pera lalo na ngayon.

Kinuha ko ang libro na naka patong sa lamesa pag buklat ko agad kong nakita ang bulaklak na medyo lanta na, 2 days ng hindi pumupunta si Zachary dito at ang huling chat nya din ay yung humingi sya ng sorry hindi ko sya nireplyan nun kasi hindi ko rin naman alam kung bakit sya ng so-sorry.

Minsan hinihiling ko na sana pumunta sya dahil gusto kong mas may malaman pa tungkol sa donor ko yan ang sabi ng isip ko pero ang puso nya gusto lang nya ito makita.

Habang ng babasa ako narinig kong bumukas ang pinto hindi ko ito tiningnan kasi alam ko naman na nurse yun ganitong oras nila ako chini-check kaya nakatuon parin ang mata ko sa libro ko.

"Ano yang binabasa mo?"

Halos mapalundag ako sa kama ko ng marining ko muli ang boses nya, tumingin ako sa kanya katulad ng dati naka hoodie parin sya and shades. Hindi ko na inabala ang sarili ko na hawakan ang dibdib ko para malaman ang bilis ng tibok nito dahil kahit hindi ko ito hawakan ramdam ko ang sobrang bilis nito.

"O-oh long time no see" nauutal kong sabi

Hindi sya ng salita umupo lang sya sa sofa malapit sakin at sinandal nya ang ulo nya doon.

"Okay ka lang?" tanong ko

"Yah"

Kahit hindi ko kita ang mata nya ramdam ko ang pagkabalisa nya muka syang pagod.

"Bakit ka nandito?"

Inalis nya ang pagkakasandal ng ulo nya sa sofa at humarap sakin.

"Masama ba?" seryosong tanong nya.

Ito na naman ang pag aalburoto ng puso ko simpleng salita lang nya grabe na ang tibok nito.

"H-hindi naman kala ko kasi h-hindi kana pupunta" sabi ko

Tumaas ang kilay nya "Bakit gusto mo akong makita?" muling tanong nya.

Kumunot ang noo ko "Kapal ah"

Bahagya sya ngumisi ngayon ko lang nakita syang ngumiti, kapag nakikita ko kasi sya lagi sya seryoso.

"Ngumingiti ka pala?" pangasar ko. Agad naman muling sumeryoso ang muka nya at sinandal ulit ang ulo nya sa sofa.

"Nakiki-aircon kalang dito sa kwarto ko no?"
muli kong asar.

"I just want to visit her heart" sabi nya sa ganun paring posisyon.

Ang kaninang mabilis na pag tibok ng puso ko ay bahagyang sumikip, bahagya akong napanguso at tinoon ang mata ko sa librong hawak ko.

Hindi naman ako seryoso sa nakiki-aircon lang sya dito dahil muka sya mayaman sa mga suotan palang nya lahat branded tsaka yung kutis nya pang mayaman talaga.

Pinag masdan ko ang kabuuan nya habang nakaupo sya ang naka sandal sa likod ng sofa naka lagay ang dalawang kamay nya sa loob ng pocket ng hoodie nya, matangkad syang pagikukumpara kay Jake maputi din sya, matangos ang ilong ang pangangatawan nya ay hindi naman kalakihan sapat lang.

"Don't stare it's awkward"

Naputol ang pagkilatis ko sa kanya dahil bigla syang nag salita.

"H-hoy hindi kita t-tingnan no!" depensa ko sa kanya.

"Okay" walang kabuhay buhay nyang sabi.

Tinarayan ko sya at muling binalik ang tiningin ko sa librong hawak ko.

"Where's your boyfriend?" He asked

"May ginagawang project" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Bakit hindi ka binabantayan?" muling tanong nya

"May ginagawa ngang project"

"Walang pasok bukas pwede naman bukas nalang nya gawin"

Tumingin ako sa kanya na nakanuot ang noo.

"Kailan kapa ng kainteresado sa boyfriend ko? At ang dami mo ng sinasabi ah"

"i just want to ask"

Masama akong tumingin sa kanya.

"Wala kang pakiilam samin ah, ikaw nga hindi mo sinasagot mga tanong ko tungkol sa donor ko eh"

Hindi na sya ng salita kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. Medyo na guilty ako sa sinabi ko dahil alam ko naman na ayaw na nya yung pagusapan.

"Her name is Hope"

Mabilis akong tumingin sa kanya dahil ng simula na syang mag kwento tungkol sa donor ko.

"She is my best friend" malungkot nyang sabi.

"I love her not because she is my best friend but i love her a romantic way, pero hindi ko na sabi sa kanya yun"

Sa kwento nyang yun muling bumilis ang tibok ng puso nya.

Hindi sya muling ng salita pero nakatingin parin sya sa kisame halatang pinipigilan nya ang luha nya.

"Hindi masamang umiyak"

Inabot ko ang kamay nya at marahang pinisil yun at dun na lumabas ang luha nyang kanina pa pinipigilan.

Parehas kaming tahimik dalawa hawak ko parin ang kamay nya. Gamit ang isa nyang kamay ay pinunasan nya ang luha nya.

"Okay ka na?" I asked

Tumango sya "Thank you"

Hindi na kami ulit ng salitang dalawa medyo naiilang ako dahil hindi ako sanay sa katahimikan pero pinigilan ko ang bibig ko mag salita.

"I'm sorry umiyak na naman ako" he said

"No it's okay" tumingin ako sa kanya "Kung nasan man si Hope malulungkot sya pag nakikita ka nyang umiiyak, hindi ko alam kung ano ang sanhi ng pagka wala nya pero siguro masaya na sya doon kasama si lord"

Hinawakan ko ang puso ko "Gusto ko din magpasalamat sa kanya dahil nagkaroon ako ng pangalawang buhay dahil sa kanya"

Humarap sya sakin "Can i hug you?"

Nag taka ako pero mabilis din ako tumango, lumapit sya sakin at marahan akong niyakap.

Nagulat kaming dalawa ng biglang bumukas ang pinto.

"Katherine"











Lumingon ako sa ng salita nakita ko ang pagtataka sa muka ni mommy.

Her Fragile Heart Where stories live. Discover now