Chapter - 20

333 14 0
                                    

They always said that everything will be fine but its not.

I let him. Hinayaan ko sya lagi nasa tabi katulad ng gusto nya. Sa araw araw na ginawa ng diyos ay araw araw din nya ako binibigyan ng bulaklak.

Lumipas maraming araw na hinayaan ko sya sa tabi ko na parang wala akong pakiilam pero alam ko sa sarili ko na ang lakas ng presenya nya sakin.

Nandyan sya kapag oras na para sa painom ko ng gamot, kapag may mga libro akong dala sya ang ng bubuhat nito, minsan hinahatid din nya ako sa bahay pag uwian. Hindi naman sya pinagbawalan ni mama na pumasok sa bahay dahil una palang boto na sa kanya ang aking ina.

Hinayaan ko sya sa gusto nya pero ang kapalit nun ay ang pagkabahala ko dahil sa tingin sakin ni Jake tuwing nakikita nya kaming magkasama. Alam kong masakit pa sa kanya ang paghihiwalay namin tapos makikita nya akong may kasamang iba naiintindihan ko sya pero maging ako ay naguguluhan kung iiwasan ko na naman ba sya o hahayaan nalamang.

Nakahiga ako sa kama ko ngayon ng tumunog ang phone ko mabilis ko ito binuksan.

Amara:
Please kath iwasan mo muna si Zachary nasasaktan si Jake tuwing nakikita nya kayo.

Amara:
Pahupain mo muna ang galit ni Jake at baka magsuntukan na naman ang dalawa.

Amara:
Naiintindihan mo naman ako kath diba?

Hindi ko alam kung bakit ako ng dalawang isip. Should i really stay away from him? Bakit ganito pakiramdam ko? It's like i don't want him to stop.

Nanginginig ang kamay ko habang ng rereply kay Amara.

Kath:
Yes amara I understand.

Nilagay ko ang braso ko sa mga mata ko at sinimulan ng pumikit. Tama ba itong ginagawa ko? Kailangan ko ba talaga sya iwasan?

Kagaya ng mga nagdaan na araw muling ako nakatangap ng paborito kong bulaklak mula sa kanya. Lagi lang nya ito nilalagay sa ibabaw ng lamesa ko. Kinuha ko ito at tinabi sa gilid ng upuan ko.

Tinuon ko muli ang atensyon ko sa mga lessons namin.

"Class you may now take your launch"

Tumayo na kaming dalawa ni pia at dumaretso sa canteen.

"Bakit natin iniwan si Zachary?" tanong ni pia

Madalas na kasing kasabay namin si zachary mag lunch pero ngayon kailangan ko syang iwasan.

"Hindi ko namalayan"

"Hindi namalayan o iniiwasan mo?"

Hindi ko sya sinagot hangang sa ng order na kami at ng simula ng kumain.

"Bakit hindi mo sya bigyan ng chance?" tanong nya.

Umiling ako "Hindi maganda tingnan kaka-break ko lang pia"

Kumunot ang noo nya "Mas iintindihin mo pa ba ang iniisip ng ibang tao kesa sa kaligayahan mo?"

"Masasaktan si Jake" simpleng sagot ko sa kanya.

Umirap sya "Ikaw hindi ka ba nasasaktan? Pilit mo syang pinagtutulakan kahit hindi mo naman gusto"

I gave her a smile "I'm okay pia mas okay na din to para hindi maka apekto sa puso ko"

Her Fragile Heart Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora