PROLOUGE

30.3K 687 243
                                    

PROLOUGE

AILYN

"BILI NA MGA SUKI! LIMANG TANSO, SAMPUNG MANSANAS. MURA LANG KAYA BILI NA KAYO!" Pang-aya ko sa mga tao sa palengke ng capitulio.

Lagi ako dito at hanapbuhay ko na ito. Nasa tamang edad naman ako ngayon. Gusto ko mag-aral kaso hindi kaya ng pera namin ngayon kaya magbebenta nalang ako.

"Ay ineng, pabili nga." Sabi ng matanda.

"Ang ganda ng kalidad ng mansanas mo. Bagong pitas?" Saad niya habang sinusuri ang mansanas.

"Opo, manang, kapipitas ko lang po niyan kaninang madaling araw. Kaya saakin ka bibili pag gusto mo sariwang mga prutas."

"Ay oo naman. Aasahan ko 'yan ha."

Ngumiti ako at ibinalot ang sampung mansanas. Nakipag-usap pa siya sa akin ng kaunti at umalis. Sa mga oras na 'yon ay madaming bumili sa akin at nang mag-sasara na ako may sumigaw.

"SAGLIT!!" Isang babaeng naka kapote na balot ang katawan at mukha.

"Teka lang! Bibili pa ako!" Nang makarating siya sa puwesto ko ay huminga siya ng malamin.

"Pabili." Simpleng saad nito.

Ngumiti ako at yumukod ng kaunti."Pasensya na po. Bukas nalang po kayo ulit bumalik. Ubos na po paninda ko."

Bumagsak ang mga balikat nito at bahagyang ngumuso."O-okay..." mahinang saas nito.

"Okay?" Takang tanong ko. Ito lagi ang sinasabi sa akin ni Liam pag sinasabi niyang ayos lang siya.

Halatang nagulat siya sa sinabi niya."A-Ah Wala!" Tarantang saad niya.

Nang matauhan ako ay agad akong yumukod."Pasensya na po, Mahal na dugong bughaw. Ubos na po ang mga paninda ko."

"Huwag mong gawin dito ahh.. ahh hindi ako dugong bughaw. Uhmm...ahhh ordinaryong tao lang ako kaya uhmmm huwag kang yumukod." Tarantang saad nito.

Umayos ako ng tayo."Pupunta po ako dito bukas ng maaga. Ipagtitira ko po kayo."

"Huwag na--"

"LYRA!" isang tinig ng lalaki.

Nang makarating ang lalaki sa puwesto namin ay hinawakan kaagad nito ang pulsuhan ng babae.

"I told you to fucking stay by my side." Saad ng lalaki. Ingles?

"I just want some apples. I'm craving for it." Saad ng babae.

Hindi nga ako nag-kakamali. Mga Dugong bughaw nga.

"We have a lot of those in the dorm."

"I don't want those! I like freshly picked."

"P-pasensya napo mga dugong bughaw." Yumukod akong muli.

"Oh, great, we have been found out." Iritadong saad ng lalaki.

"Huwag kang yumukod. Mas lalo kaming mahahalata." Sabi ng babae.

"Pasensya na po..." ulit kong paumanhin.

"Look here, miss. If anybody founds out , you're dead." Iritang saad ng lalaki.

"Pasensya na p--" napatigil ako. Hindi ko dapat masabi na nakakaintindi ako.

"So you understand us?" Saad ng lalaki.

Umiling ako.

"Don't fuck with me. You just answered my question."

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon