CHAPTER VII

9.5K 409 18
                                    

CHAPTER VII

AILYN

Ito ang pinakahihintay kong araw. Ang araw ng aking pag-susulit para makapasok sa PRIMERIA ACADEMIA.

Kinakabahan ako dahil ito ang una kong paaralang papasukan.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ng lalaking kasama ko.

Sa itsura niya ay kaedad ko lang siya, pero kanina pa siya nangangano po sa akin.

"Ayos lang ako. Kinakabahan lang ako. Saka huwag mo akong kausapin ng pormal. Magkaedad lang tayo kaya ayos lang."

May espada ito sa baywang niya at suot ang armor niyang kumikinang.

"Pasensya na. Kinakabahan lang din ako dahil unang beses ko 'tong inutusan ng hari. Sinisugarado ko lang na walang masamang mangyayari."

Parehas lang pala kami ng sitwasyon ngayon. Inilahad ko sakaniya ang aking kamay.

"Ailyn ang pangalan ko. Ikaw?"

"Rive." Ngumiti ito at tinanggap ang kamay ko.

Nag-usap kami dahil sobrang tahimik kanina. Gumaan ang atmospera sa paligid namin nang mag-usap kami. Katulad ko ay isa din siyang commoner. Unting ingles lang din ang alam niya.

Nang makarating kami sa Academia ay hindi ko mapigilan mamangha. Kasing laki niya ang isang kastilyo at nasa gitna nga ng malaking lawa. Malawak ang lupain at may gubat. Mga hayop at nilalang na hindi ko pa makikita ay na'n dito sa lugar na ito.

Nang makapasok kami sa loob ay dagsa ang tao. Puro bughaw at maharlika lang ang nandito na wari ko'y andito din sa pagsusulit. Ako lang ata ang hampas lupa dito.

Nang makababa kami ni Rive ay nagsitinginan ang mga tao sa amin. Sinuot ko ang regalo sa akin nina Lyra nuong saglit silang bumisita.

Nasa likod ko lang si Rive at ako naman ay nanginginig na ang mga tuhod sa kaba.

Habang nadaan kami ay naririnig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid.

"Wonder what family she's from.What a beauty."
"A white imperial knight? She must be a very important person."
"Her clothes... never seen anything like it, yet it's so beautiful. Wonder who tailored it."

Unang tingin palang sa damit ko ay mamahalin na nga. Wala akong ibang magagawa kundi suotin ito. Ito ang pinakamaayos sa lahat ng damit ko.

Nang marating ko ang registration ay inilahad ko ang liham na ibinigay sa akin ng hari.

Tumingin ito sa akin at kay Rive, at bumalik sa liham. May inilahad itong papel at panulat.

"Isulat ang pangalan, edad, magia at kung saan nakatira. Tatawagin na namin kayo pagnagsimula na ang pagsusulit."

Isinulat ko ang pangalan ko at iba pang impormasyon tungkol sa akin at ibinigay ito sakaniya.

Tinatakan niya ito at umalis na kami. 10 minuto daw bago pa magsimula ang pagsusulit. Ang una daw ay written exam at ang sunod ay practical exam kung saan kami gagamit ng espada at magia.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon