CHAPTER VI

10.2K 392 16
                                    

CHAPTER VI

AILYN

Ilang araw na ang nakakalipas ng matapos ang grand ball. Bumalik na din sa dati ang kulay ng buhok ko at balik sa normal ang lahat. Puwere na lang sa kada isang linggong bisita ng mga Maharlika na kaibigan ni Liam.

Umaga at tirik na ang araw. Naghahanda na ang mga kalapit tindahan ko para magtinda. Tutal mas madaming mamimili pag papatanghali na.

Tulad ng inaasahan sa tanghali ay dinagsa ng tao ang lugar namin. Madami akong naibenta at ubos na ang paninda ko ay uuwi na ako.

Nagligpit ako ng gamit ko at umuwi na. Tulad ng dati ay deretso sa kuwarto dahil sa pagod.

Nang makadapa ako sa kama ko ay bumigat ang talukap ng aking mga mata at nakatulog.

Nang magising ako, ay may yumuyugyog sa akin.

"ATE GISING!" Yugyog ni Remmy.

Naupo ako at kalahati ng mata ko ay sarado pa.

"Bakit?" Antok kong saad.

"ANG HARI NANDITO!" Sigaw nito.

"Huwag ka ngang magbiro, remmy." Saad ko.

Sumalampak ang pintuan ng kuwarto ko at iniluwa nito si Joshua na parang natataranta.

"ATE! BUMABA KA DALI!" Saad nito.

"Bumaba na kayo. Baba na ako. Mag-aayos lang ako."

"BILISAN MO ATE!" sabay na saad ng dalawa.

"Oona."

Bumaba silang dalawa at ako naman ay umalis ng kamat at nag-ayos ng buhok. Nagpalit din ako ng damit at saka bumaba.

Nang makababa ako ay sobrang tahimik. Dumaan si mama sa may hagdanan na may dalang pagkain.

"Ma, anong meron?"

"Ay lintik kang bata ka! Bumaba ka na at importante ang bisita natin!" Saad nito na parang natataranta.

Napakamot nalang ako sa ulo dahil hindi ko mawari na bakit  lahat sila ay natataranta.

Pumunta ako sa salas at nanlaki ang mata nang makita kung sino ito. Agad naman akong umayos.

Yumukod ako."Haring Julius."

"Hindi na kailangan pang yumukod, ija." Saad nito. Unti-unti kong inangat ang ulo ko.

May ngiti ito sa kanyang mukha. Umayos ako ng tayo at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Umupo ka." Saad nito. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya.

May dalawa siyang kasamang guwardiya o ang tawagin nila ay Escort. Isang lalaking at babaeng may espada at armor na kumikinang.

"Huwag mo silang abalahin." Pinaalis niya ang dalawa at lumabas naman. Ramdam ko na nasa may pintuan lang sila.

Umalis din sina mama na parang alam nila ang gagawin ng hari.

"I've sealed the room with sound proof barrier. Let's talk about something, Ailyn or should i say RAILYN."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Dahil sa pagkakatitig niya sa akin nuong grand ball ay parang may kakaiba.

"Ailyn's your real name, huh? Lexus just added 'R' in."

"Opo, mahal na hari." Saad ko.

Ngumiti ito. May inilabas ito mula sa bulsa ng kanyang roba at pinadausdos iyon sa akin. Isang liham. Na may tatak ng....

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon