CHAPTER IX

8.8K 365 55
                                    

CHAPTER IX

SYRA

"Anong pumasok sa kokote mo at tinanggap mo ang inbitasyon nila?" Galit na saad ni Frane.

"Frane, wala naman silang ginagawa sa ating masama. Saka sa tingin ko mabait naman sila. Tignan mo kung papaano nila tratuhin si Ailyn kanina lang. They treat her as an equal."

"Tama si Syra, Frane. Pati wala namang masama kung tatanggapin natin. Saka estudyante tayong lahat dito at pantay tayong lahat sa paaralan na 'to. Yung iba lang ang nagbibigay estado sa school saatin kaya ang baba ng trato nila sa atin." Saad ni gila.

"Tch." Singhal nito. Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling si Frane.

Sa kabilang bansa kasi lumaki si Frane. Nakarating siya dito dahil sa slave traders. Patay na pareho ang magulang niya dahil sa pinagtulungan ng royals at nobles ang pamilya ng mga commoner dahil nagprotesta ang mga ito dahil sa corruption ng dating maayos at masaganang bayan nila.

Napatay ang magulang ni Frane dito at siya naman ay dinakip ng mga slave traders at napadpad dito. Naligtas siya ng isang tinderang taga Minerva at pinalaki ito.

Kaya may galit siya sa mga royals at nobles.

"Set aside those feelings for a while, frane. I promise you na mababait sila. 'Cause ailyn said it."

Hindi nalang ito sumagot. Nagsimula na kaming mag-lakad patungo sa labas. Sila nalang daw susundo sa amin dahil secret daw ang lugar na ito at ang royals lang daw ang nakakaalam.

Nang makarating kami sa likod ng school, o field ng school, ay nakita ko ang limang na royal at noble kasama si Ailyn.

Kumaway ako sakanila at lumapit sa akin si Ailyn.

"Tara na?" Saad ko kay Ailyn. Tumango ito.

Sumunod nalang kami kay Ailyn hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng mga Royals at Nobles.

Kilala ko silang lahat. Si Liam, Justin, Reya, Paula at Lyra. Pero buong buhay ko sa Paaralang ito ay hindi ko sila makausap dahil ayokong maiwan si Frane.

"Ah Liam, Justin, Reya, Paula at Lyra. Sila Gila,Syra at Frane. Kasamahan ko sa Dorm."

"Hello!" Magiliw na bati ni Paula. Prinsesa ng Césped.

"Hi!" Magiliw din na bati ni Reya at Lyra.

"Hello." Saad ko at ngumiti.

"Hello. Nice to meet, Ailyn's dorm mates." Saad ni Liam.

"Kinagagalak ko din kayo makilala." Saad ko.

So far ay mababait nga sila. Pantay ang tingin nila sa amin. Nandito na kami ngayon sa secret garden nila at sobrang ganda dito.

Makukulay na bulaklak at sakto lang ang sinag ng araw dahil sa nakasulong kami sa ilalim ng malaking puno.

"Seems to be you're having fun, Young lady." Saad ng spirit beast na si Leviathan.

Isa siyang Leviathan katulad ng pangalan niya pero ang tawag ko sakaniya ay Levi.

Ngumiti ako."Yes, i'm having fun." Sagot ko.

"I feel ominous magic coming from your silver haired friend, Young Lady."

Si Ailyn?

"Si Ailyn?"

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon