CHAPTER XIV

7.9K 342 69
                                    

CHAPTER XIV

AILYN

Tinanggap ko ang pag-eensayo kasama si Señora Evryn. Nagulat sila sa sinabi ko pero, ano namang masama?

"Very good. Wake up before the sun rises. I'll be waiting for you tommorow." Sabi nito at umalis.

"You've got a lot of courage to accept her training, ija." Saad ng hari.

"Bakit po?"

"You see, Ailyn. Her training method is brutal. She does not have mercy." Saad ni Liam.

"Change your mind before it's too late!" Saad ni Lyra.

Tinignan ko ang ibang mga maharlika at tila sila'y takot na takot ng makita si Señora Evryn. Pati si Enzo na parang walang takot pero pagtingin mo sa mga binti nito ay nanginginig.

"Now now. I'm sure Ailyn will be fine. I think she can handle the training." Saad ng hari.

"But still..." Saad ni Liam.

"Makakaya ko ito,Liam. Tanda mo naman siguro kung sino nakatalo sa'yo sa labanan ng espada noong bata tayo."

Napatawa siya ng kaunti at ngumiti."Alright. Just be safe."

"Now, let us eat. I am sure that you're all hungry from the trip." Wika ng hari.

Pinapasok niya kami sa kastilyo at pumunta sa silid kainan. Pagdating doon ay may napakahabang mesa at madaming at sa tig kabilang dulo ay dalawang nagsilalakihan na mga upuan. Siguro para sa hari at reyna.

May mga pumasok na tagasilbi at hinatak nila ang upuan para sa amin na umupo.

May mga pumasok pang muling mga tagasilbi at nilagay ang mga pilak na takip.

Tinanggal nila ang pilak na takip at agad na bumungad sa ilong ko ang mabangong amoy ng pagkain.

Ang una kong ginawa ay ipinatong ang telang nasa tabi ng mga kubyertos at inilatag ko ito sa mga hita ko.

Ganoon din ang ginawa ng iba.

"You may start eating." Saad ng hari.

Agad naman kaming kumain. Sobrang sarap. Mas masarap pa sa nakain namin sa gazebo.

At nang maghain sila ng matamis ay hindi ko mapigilan na mapatili ng mahina dahil ngayon lang ako nakatikim nito.

Nang mapansin ko na tahimik ang lahat ay nilingon ko ang paligid, nakatingin sila sa akin. Nakakahiya.

"Pasensya na." Sabi ko habang natungo ang ulo.

"No, it's okay, ija. I'm happy that you're enjoying the food." Saad ng hari.

Humarap siya sa lahat."You May start resting or go around the castle. It depends on you on how are you gonna spend your time before your training." Tumayo siya."I'll be going to my quarters now."

Tumayo kami at yumukod habang papaalis ang hari at nang makaalis ay tumuwid kami ng tayo.

"Wanna go around the castle, guys?" Saad ni Lyra.

"May gagawin ako." Saad ni Syra.

"Hindi ako sasama." Saad ni Frane.

"Ako rin. May gagawin ako." Saad ni Gila.

Tumingin sa akin si Lyra.

"Pasensya na. May gagawin din kasi ako." Saad ko.

"Okay..." Malungkot na saad nito.

Lumabas ako nang kastilyo at siyempre sinuot ko ang normal kong damit sa pang araw-araw dati. May binigay sila sa akin na isang medalya na ginto para makapasok ulit ako.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon