CHAPTER XXXIII

5.6K 182 29
                                    

CHAPTER XXXIII

AILYN

Pag-mulat ko ay isang masarap na amoy agad ang bumati sa aking gising.

"Morning, Kid." Bati ni Haring Kiev.

Si Drakius siguro ang nag-luluto. Umupo sa tabi si Haring kiev na mukhang pagod.

"Nasaan na po tayo?" Tanong ko.

Panigurado binuhat lang ako rito ni Drakora gamit ang magia at hindi na ako ginising.

"We're almost there. We're currently under the castle entrance."

Hayaan ko muna mag-pahinga si haring kiev at tatapusin na namin ito. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko tuwing iisipin ko na mag-lalaban na kami.

Takot? Kaba? Hindi ko alam pero iniisip ko pa lang ang dugo niya sa aking kamay ay...

"Don't get to lost on your own blood lust, kid." Hawak ni Haring Kiev sa balikat ko.

"Pasensya na po... Gusto ko lang matapos ang lahat ng ito."

"Here's a tip from this old vampire. When the time you got lost in your blood lust, think about someone. Someone that you can't hurt, someone that means something to you."

Bigla ko agad naisip si Liam.

"Oohhh~ someone's in love." Pang-aasar ni Haring Kiev na lalo kong ikinapula.

"Eyyy~ that's normal for youngsters like you. Love is a wonderful thing... Leading to wonderful places. Like someone can make you go to heaven even when you're in bed."

Bigla siyang binatukan ng malakas ni Drakora at yung kasambahay na kasama niya.

"Stop saying vulgar things to a child!" Sabay na sabi ni Drakora at nung kasambahay.

Malakas yung batok nung dalawa kay Haring Kiev. Buti nalang at hindi ordinaryong nilalang si Haring kiev kundi patay na ito ngayon.

"Master, forget what this vulgar man said to you." Sabi ni Drakora.

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Drakora. Nakatulog naman si Haring kiev sa batok nung dalawa at inihiga na ng maayos ng kasambahay na kasama niya.

Kumain naman kaming lahat pwera kay haring kiev dahil tulog pa ito mula sa batok. Nag pahinga muli kami pagkatapos kumain. Bukas nalang daw kami tutuloy dahil medyo pagod na ang lahat.

Nagboluntaryo akong mag-bantay habang sila ay tulog. Hindi naman sila tulog pero ipinapahinga ang magia dahil kailangan ito bukas.

Ganoon din ang aking ginawa, pero bago ko iyon magawa ay may naramdaman akong presensya sa likod.

Hinanda ko ang aking sarili at isang babaeng kalahating gagamba ang lumabas mula sa dilim.

"A-ah hindi ako kalaban!" Sabi nito habang nakataas ang kamay.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Oh. What are you doing here, arachnid?" Tanong ni Haring Kiev na gising na pala.

"Ahm. Delikado yung dinadaanan niyo. Muntik na ako mamatay diyan dahil may daan pala diyan sa kastilyo."

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon