CHAPTER III

11.1K 465 85
                                    

CHAPTER III

AILYN

Pagmulat ko ay mukha agad ng dragon ang bumungad sa akin. Napatayo ako sa gulat at lumayo. Kasing laki ng tatlong karwahe at kasing haba ng limang karwahe. Nakatitig ang mga asul na mata nito sa akin.

Lalo itong lumapit at ibinaba ang ulo. Nakapikit ito habang nakayuko sa akin. Anong gagawin ko?

Nang maalala ko ang tinuro ni Duke Lexus tungkol sa Spirit Beast contracting. Hinawakan ko ang ulo nito at nagbuhos ng magia sa dragon.

"Grant me a name, your highness." Saad ng isang lalaki.

Lumingon-lingon ako sa paligid.

"Grant me a name, your highness." Ulit nito.

Napatingin ako sa dragon.

"I-ikaw yung---"

"Yes, your highness."

Isang pangalan agad ang pumasok sa isip ko.

"Drakius." Saad ko.

"I shall chersih this name till i die. From now on, i am The White flame Dragon.Drakius."

Lumiwanag ang asul nitong mga mata. Saglit lang 'yon pero lumiwanag ito.

Nang mapansin kong tirik na ang araw ay ngayon ko lang namalayan na tanghalian na pala. Baka nag-aalala na sina mama at papa.

Tatakbo na sana ako nang maalala ko na Spirit Beast ko nga pala si Drakius.

"Kaya mo ba maging maliit?"

"If that highness' wish." Saad nito.

Binalutan siya ng puting apoy at nang mawala ito ay bumungad ang isang maliit na bersyon ni Drakius. Parang kasing laki niya lang ang isang garapon ng bote.

"Sampa ka dito sa balikat ko."

Lumipad ito patungo sa balikat ko at maayos naman na lumapag sa balikat ko.

Sinagad ko ang bilis ko sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa bahay. Hingal na hingal akong binuksan ang pintuan ng bahay.

"Oh, anak." Ani mama."Hingal na hingal ka. Saan ka nanggaling?"

Huminga ako ng malalim."Sumaglit lang sa Gubat, ma."

Napatingin ito sa balikat ko."Aba, anak may Spirit beast ka na pala."

Nilahad ko ang kamay ko kay Drakius at sumampa naman siya doon."Ma, si Drakius."

"Saan mo nahanap, anak? Mukhang maliit na dragon."

"Sa gubat, ma. Biglang bumagsak sa ulo ko."
Pagsisinungaling ko.

Inaya ako ni Mama na kumain pagkatapos ng usapan namin. Pinakilala ko si Drakius sa buong pamilya at tuwang tuwa naman sila.

"Punta ka daw sa bahay ng Duke mamaya, anak. May sasabihin daw siya sayo." Saad ni Papa.

"Opo, pa."

Nang makarating ako sa bahay ng Duke ay sinalubong agad ako ni Leo pero umatras ito na para bang natatakot.

Bumaling ako kay Drakius at umiilaw ang mga mata nito.

"Drakius, kaibigan siya. Huwag mo siyang takutin."

"If highness say so." Saad nito.

Umakyat ako sa opisina ni Duke Lexus at nakita ko siyang nakaupo sa lamesa niya habang may binabasang mga papeles.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon